Isyu sa DOT, natabunan sandali ng royal wedding nina Prince Harry at Meghan Markle

by PEP Troika
May 20, 2018

JERRY OLEA: Sapul ang mga mandarambong sa taghoy ni DOT Secretary Berna Puyat: “Hindi ka pumasok sa gobyerno para mag-around the world!”

Naikonek agad ito ni Ethel Booba sa kasalang Harry & Meghan na ginanap nitong Mayo 19, Sabado, sa St. George’s Chapel ng Windsor, England.


Tweet ni Ethel nitong Mayo 20, Linggo ng umaga, “Kung di napalitan ang DOT Secretary, baka nag-travel na ang mga ‘yan sa #RoyalWedding... Charot!”

Continue reading below ↓

BTW, itutuloy na kaya ang 4th edition ng Madrid Fusion this year?

Ibinasura ito noon ng DOT kahit may nakalaang budget para sa ikaapat at ikalimang edisyon nito.

Ipinalit dito ng DOT ang Buhay Carinderia na bidang-bida si Erwan Heussaff.


Marami-rami ang pumalag sa pagkitil sa Madrid Fusion, kaya ang official eklay kapagkuwan ng DOT ay puwede pa itong ituloy later on.

Continue reading below ↓

E, napalitan ang Secretary ng DOT, at sinuspinde ang Buhay Carinderia.

Naghihingalo pa lang ba ang Buhay Carinderia o patay na?

Mare-resurrect ba ang Madrid Fusion sa pamunuan ng bagong DOT Secretary?

NOEL FERRER: At pagkatapos magsalita ni Cesar Montano, kailan naman magbibigay ng panig nila sina Erwan Heussaff at Mama Renee Salud para linisin ang mga pangalan nila sa mga nabuksang mga isyung ito?

At tungkol naman sa Prince Harry at Meghan Royal wedding, heto pa rin ang pinaka-witty na greeting at comment ukol dito , with accompanying collage- “Truly a match made in heaven!”


Continue reading below ↓

GORGY RULA: Kaya naghi-hit ang mga fantaserye o telefantasya dito sa atin dahil ang hilig talaga natin magpantasya.

Imagine, pati iyang royal family, parang involved na involved tayo?

Namalayan ba natin ang matinding traffic kahapon dahil sa mga weekend sale sa isang malaking mall sa EDSA?

Kasi nga, nakatutok sa live coverage ng royal wedding, at ang sarap pagpantasyahan ang royal wedding na hindi naman mangyayari sa atin.

Ang sarap pag-usapan paulit-ulit.

Pero itong isyu sa DOT at ang patuloy sa pag-imbestiga ng bagong upong DOT Secretary Berna Romulo-Puyat, makakalimutan na iyan pagkalipas ng ilang linggo.

May bagong isyu na namang lilitaw at pag-uusapan. Dadaan at dadaan lang iyan sa ating kamalayan.

Mas magkakainteres pang abangan kung kailan na magkaka-baby sina Erwan Heussaff at Anne Curtis, kesa sa involvement niya sa Buhay Carinderia.

Ganun talaga ang buhay!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results