Agot Isidro, kinukumbinsi ng Liberal Party na tumakbo bilang senador

NOEL FERRER: Sa panayam sa Headstart ni Karen Davila, pinangalanan ni Senator Kiko Pangilinan ang ilang mga posibleng kakandidato bilang senador sa 2019 elections sa ilalim ng Liberal Party.

Ang magiging headliner nila ay si Senator Bam Aquino, na maayos ang track record sa Free Education bill, sa kabataan at micro-businesses.

Kasama sa binubuong Opposition Team ang mga apelyidong kilalang nationalists—Tañada at Diokno.

Nakakagulat ang pagkakabanggit na kinukumbinsi nila ang singer-actress na si Agot Isidro para tumakbo
bilang senador.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa man nagbibigay ng tahasang pagkumpirma ni Agot, kuwalipikado naman siyang tumakbo, lalo pa’t kung ang pag-uusapan ay yung mga una nang napabalita at nag-declare na rin ng intensiyong tumakbo tulad nina Freddie Aguilar at Mocha Uson.

What do you think, ka-Troika?

JERRY OLEA: Interesting. Pero nasa puso ba ni Agot ang kumandidato?

Survey-survey muna kung siya ba’y bet ng bayan.

At dapat malinaw sa kanya kung ano ang kanyang layunin sakaling sumabak siya sa karera ng pulitika.

GORGY RULA: Tahimik lang naman si Agot, at sa pagkakakilala ko sa kanya, mas gusto niyang manatiling pribado ang ilang bahagi ng buhay niya.

Kaya tingin ko hindi iyan tutuloy sa pagpasok sa pulitika.

Ang dumi kasi talaga ng labanan sa pulitika, at tiyak makakalkal na naman ang mga nakaraang isyu ni Agot kung magiging politician siya.

Kung sakali, si Mocha pa ang makakatapat niya, kaya huwag na sana siyang bumaba sa level ng sexy singer-social media influencer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit palang kasama pa rin sa partido nina Senator Pangilinan si Senator Bam Aquino?

Akala ko pa naman lilipat na si Senator Bam.

Di ba, napabalita noong nakipag-ugnayan siya kay Mayor Sara Duterte sa posiibilidad na makakapartido niya ang mga taga-Duterte sa PDP-Laban?

Magiging guest candidate kaya siya sa partidong iyon?

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close