Misis ng government official, nabuking ang relasyon ng kanyang mister sa aktres

GORGY RULA: Na-handle nang maayos ng misis ng isang government official ang isang hindi niya inaasahang sitwasyong mangyayari sa kanyang buhay—ang makilala nang harapan ang babaeng karelasyon diumano ng kanyang asawa.

Nangyari ito sa isang event na dinaluhan ni Misis.

Isa sa naimbitahang magbigay ng entertainment ay ang kilalang aktres na pinag-uusapang karelasyon diumano ng mister ni Misis na may mataas na tungkulin sa isang government agency.

Kuwento ng source ng PEP Troika, kilala raw ni Aktres ang misis ng karelasyon nitong may mataas na posisyon sa isang government agency.

Nang kumanta na si Aktres, nag-imbita raw siya sa audience ng sasabay sa kanya sa pagkanta.

Ang tinawag niyang umakyat ng stage para sabayan siya ay mismong si Misis, para hindi naman halata siguro at walang magduda.

Nahihiyang umakyat si Misis dahil hindi naman daw niya alam ang kanta.

Sabi raw ni Aktres, may lyrics sa phone niya, basahin na lang niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umakyat na raw si Misis at inabot ni Aktres ang phone niya para doon na basahin ni Misis ang lyrics.

Sa kalagitnaan ng kanilang kanta, biglang nag-text naman daw itong si Government official kay Aktres.

Lumabas doon sa phone niya siyempre na hawak hawak ni Misis.

Nabasa ng huli ang text at kaagad nakaramdam ng matinding kaba dahil nakita niyang kapangalan ng kanyang mister ang lumabas sa cellphone.

Ang mensahe pa raw na nabasa ni Misis ay tipong ganito: “Babe, nandiyan pa ba ang asawa ko?”

Ganern!

Kinilabutan daw si Misis, pero hindi nagpahalata, at walang ginawang eskandalo sa entablado.

Ang ginawa raw ng misis, bumaba ng stage dala ang cellphone ni Aktres.

Dumiretso raw ito ng CR at nag-lock. Binasa raw ang buong thread ng pag-uusap ni Aktres at ng dyowang si Government official.

Doon nakumpirma ni Misis na may namamagitan sa kanyang asawa at ni Aktres na magiliw pa namang nakikanta sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung ikaw si Misis? Ano ang gagawin mo?

Kalmado pa rin daw kasi si Misis, pero nagkaroon daw ng bonggang confrontation at recorded pa raw ito lahat.

Hindi raw alam ni Aktres na naka-video ang pag-uusap nila ng misis ng lalaking karelasyon diumano nito.

Ang latest, ipinarating na raw ni Misis sa tanggapan ng mister ang lahat na pangyayari.

Hindi lang namin alam kung ano na ang sumunod na kaganapan.

NOEL FERRER: Nakakaloka ang nangyaring ito!

Lesson #1: Huwag makiapid. Lalo na sa asawa ng kaibigan mo.

Lesson #2: Huwag i-share ang cellphone sa pagbabasa ng lyrics sa videoke.

Lesson #3: Huwag shushunga-shunga lalo pa’t may kaibigan kang ahas.

Some people and stars never really learn.

Ay, pag-ibig!

JERRY: Ay! Ay! Ay! Aray! Iyan ang teleserye sa totoong buhay!

Magtataka pa ba kayo kung bakit swak sa masang Pinoy ang istoryang kabit-kabit?!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close