Erwan Heussaff at Renee Salud, dapat ding magpaliwanag kaugnay ng mga isyu sa DOT

by PEP Troika
May 21, 2018

NOEL FERRER: Ngayong nakapag-submit na ng courtesy resignation ang Tourism Promotion Board Chair na si Cesar Montano sa kanyang posisyon, ilang araw pagkatapos siyang makausap ng pumalit na Department of Tourism (DOT) secretary na si Berna Romulo-Puyat, hinihintay na rin ang pagpapaliwanag ng ibang nasasangkot na personalidad sa DOT events.

Kabilang na rito si Mama Renee Salud, isang batikang fashion designer na nagdadala ng fashion shows abroad, at si Erwan Heussaff, mister ni Anne Curtis na sangkot sa sinuspindeng proyekto na Buhay Carinderia.


Continue reading below ↓

Magandang malaman ang accountability nila sa mga project ng dating namamahala ng DOT na si Wanda Tulfo-Teo.

Since sinasabing bayad sila sa kanilang serbisyo, ano na ang mangyayari sa kanilang nasimulang bayad at trabaho?

GORGY RULA: Iyon naman talaga ang inaasahan ng lahat.

Sa napansin ko nga, itong gobyernong ito ay talagang nagtatanggal ng government officials kapag nasasangkot sa isyu.

Sa totoo lang, dapat talagang mag-resign para fair sa lahat at hindi makuwestiyon kung sakaling maabsuwelto sila.

Sinubukan naming hingan ng pahayag si Cesar, pero hindi pa siya sumasagot.

Naghihintay pa kami ng official statement mula sa kanyang tanggapan.

JERRY OLEA: Ang PHP80M-question...

Nag-courtesy resignation na rin ba ang active na undersecretary ng DOT na si Kat de Castro, na laging kasama ni former Secretary Wanda Tulfo-Teo?

Paano na ang mga raket ng band member na kasintahan nitong suki sa tourism events noong panahon ni Wanda?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results