Bong Revilla, napaiyak sa acting ng anak na si Bryan; Assunta de Rossi, 'tinuhog' ang mag-amang Revilla

by PEP Troika
May 22, 2018

JERRY OLEA: Napaiyak si Bong Revilla nang mapanood ang episode ng panganay na si Bryan Revilla para sa action trilogy na Tres.


Sabi ni Bong nang makausap namin noong Mayo 20, Sabado ng hapon, sa custodial unit ng Crame, “Napaluha ako dahil hindi ko alam na ganun kagaling ang anak ko!”

Continue reading below ↓

Puwedeng buong pelikula na ang episode ni Bryan, pero iti-trim down iyon para maging 40 minutes more or less ang running time.


Bida sa dalawa pang episodes ang mga kapatid ni Bryan na sina Jolo at Luigi Revilla.

Cougar ang peg ng leading lady ni Luigi na si Assunta de Rossi.

Continue reading below ↓

Bongga ang kissing scene nila.

Biru-biruan na ipinasa ni Bong si Assunta kay Luigi dahil nakatambal before ni Bong si Assunta sa pelikulang Kilabot at Kembot (2002).

Pwetmalu!

“Tinuhog” ni Assunta ang mag-amang Revilla!

GORGY RULA: Nagkaroon pa dati ng isyu yung love scene nina Bong Revilla at ni Assunta nung ginawa nila ang Kilabot at Kembot.

Ang feeling daw kasi ni Assunta, parang na-exploit siya sa pelikulang yun kung saan nagpa-pwetmalu pa sa isang eksena si Senator Bong.

Pero nakita naman ng aktres na inalagaan naman siya sa pelikulang yun, at nag-hit sa takilya.

Tinanggap naman niya ang project na ito (Tres) kung saan ang anak ni Senator Bong na si Luigi naman ang makaka-love scene niya.

Natawa na lang nga raw si Assunta dahil dati ang ama ang kasama sa ganung kaselang eksena, ngayon naman ang anak na.

Kaya siya na lang ang umalalay sa eksenang yun dahil halatang kabado si Luigi.

Continue reading below ↓

Patalbugan nga ang magkakapatid sa pelikulang ito dahil may matindi ang bakbakan ng "Virgo" episode ni Bryan Revilla, walang patumanggang barilan naman sa "72 hours" episode ni Jolo Revilla, at sa "Boss K" episode naman ni Luigi, nagpakitang gilas ito ng galing niya sa martial arts.

Gusto raw talaga nilang maibalik ang action movies at umaasa silang magagawa nila rito sa pelikulang Tres, na isusumite nila sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Hudyat na rin itong magpapaka-active uli ang Imus Productions ng pamilya Revilla.

Ito na raw kasi ang unang aasikasuhin ni Senator Bong kapag makalabas na siya.

Isasantabi na raw muna ang pulitika dahil gustung-gusto na talaga niyang makagawa ng pelikula.

NOEL FERRER: Sana makahanap ng magandang playdate ang pelikula dahil medyo nahihirapan ang local
films ngayon to keep up with the Hollywood film earnings, tulad na lang ng PHP42 million ng Kasal versus PHP139 million ng Deadpool 2 in five days.

Continue reading below ↓

Balitang balak itong isali sa Pista Ng Pelikulang Pilipino sa Agosto. Tingnan natin kung ano ang laban nito.

We wish this production the best!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results