Janella Salvador, emotional nang mapanood mag-perform live ang amang si Juan Miguel Salvador

GORGY RULA: Nagpa-press preview kahapon, May 21, ang Regal Multimedia ng pelikula nilang So Connected na ginanap sa Gateway Platinum Cinema sa Cubao, Quezon City.

Dumating ang dalawang bidang sina Janella Salvador at Jameson Blake, pero hindi sila nagtagal dahil mas gusto nilang sa premiere night mamayang gabi, May 22, nila ito panoorin.

Sa Cinema 7 ng SM Megamall ang premiere night, at bukas na ang showing nito.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinapos namin ang pelikula, na umabot ng halos dalawang oras, dahil curious kami kung ano ang magiging ending.

Pang-millennials na techie at mahilig sa social media ang takbo ng kuwento na tumalakay sa pag-viral ng isang video, bashing, at kung ano ang epekto ng social media sa buhay ng mga kabataan.

Pero nandiyan pa rin ang love story at kilig-kiligan ng dalawang bida, na nakita naming bagay naman pala at may chemistry sina Janella at Jameson.

May nagkomento pa ngang mas bagay pa raw kay Janella si Jameson kesa kay Elmo Magalona.

Pero iniiwasan ng dalawa na isali si Elmo sa promo ng pelikula dahil nagagalit ang ibang fans.

Natutuwa lang si Janella dahil nandiyan ang suporta ni Elmo sa lahat na ginagawa niya, pati itong So Connected.

Sasamahan kaya ni Elmo si Janella sa premiere nito mamayang gabi?

Kamakailan lang ay sinamahan ni Elmo si Janella nang makipagkita ang young actress sa kanyang amang si Juan Miguel Salvador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkasama silang nanood ng gig ni Juan Miguel sa Strumm's Makati.

Tuwang-tuwang ikinuwento ni Janella sa Tonight with Boy Abunda kagabi na first time niyang napanood na nag-perform ang daddy niya at sobrang proud daw siya.


“I actually got so emotional.

"I felt like, for once in my life, I could be a proud daughter to my father. You know that feeling?” sabi niya kay Kuya Boy Abunda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “I was never able to watch him that close.

“That was the first time that I was able to see him up-close.

"Ang galing talaga ng dad ko, sobra!” 

Nagkausap pa raw sina Elmo at Juan Miguel. Hindi lang daw niya alam kung ano ang pinag-usapan ng dalawa.

“I feel like my dad trusts him,” nakangiting pahayag ni Janella.

NOEL FERRER: Remember, magka-batch at parang iisang music family lang sina Francis M (tatay ni Elmo) at si Juan Miguel Salvador (tatay ni Janella).

In fact, magkakilala at magkaibigan sina Badong (Juan Miguel) at Pia (nanay ni Elmo).

So it should be one good combination of families understanding each other and being on the same page.

Sana pati na rin si Jenine Desiderio, ina ni Janella.

Speaking of So Connected, sana’y tangkilikin ito ng mga tao, plus yung Citizen Jake din na sabay na magbubukas bukas.

Makakatapat nila ang Hollywood film na Solo: A Star Wars Story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iba naman ang genre ng Pinoy movies, so sana unahin nating suportahan ang mga ito kaysa sa pelikulang dayuhan. Puwede kaya?

JERRY OLEA: Sino bang anak ang hindi magiging emotional kung mapanood ang kanyang ama nang malapitan sa unang pagkakataon?

Lalo pa at may pinagdadaanan sila ng kanyang ina...

Hindi mawawala ang lukso ng dugo, pero makabubuting timbangin ni Janella ang mga bagay-bagay.

Huwag siyang basta magpadala sa bugso ng kanyang damdamin.

Sa kabila ng lahat, huwag niyang balewalain ang mga sakripisyo ni Jenine.

Kilalanin muna niyang mabuti ang kanyang ama.

Don’t let it be The End of the F***ing World.

British comedy series ang The End of the F***ing World kung saan hinanap ng bidang girl ang kanyang ama.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close