Aga, Dingdong, Joshua, Julia, at Iza inisnab ng Urian; listahan ng mga nominado, walang dating

JERRY OLEA: Inisnab ng 41st Gawad Urian ang Seven Sundays stars na sina Dingdong Dantes, Aga Muhlach, and Cristine Reyes, pati ang mga bida ng Love You To The Stars And Back na sina Julia Barretto and Joshua Garcia, at ang bida sa Bliss na si Iza Calzado.


Nominado sa 66th FAMAS (with Ricky Lee as Jury Chairman) ang akting nina Dingdong, Aga, Cristine, Julia, Joshua, at Iza, pero hindi sila pasado sa Urian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ligwak ganern!

Dalawa ang nominasyon ni Angeli Bayani sa Urian: best actress sa Bagahe, at best supporting actress sa Maestra.

Angeli Bayani in Bagahe



Katunggali ni Angeli bilang best actress sina Joanna Ampil (Ang Larawan), Alessandra de Rossi (Kita Kita), Dexter Doria (Paki), Jally Nae Gilbaliga (The Chanters), Agot Isidro (Changing Partners), Bela Padilla (100 Tula Para Kay Stella), Angellie Nicholle Sanoy (Bomba), Malona Sulatan (Tu Pug Imatuy), at ang dalawang bida sa Si Chedeng at si Apple na sina Gloria Diaz at Elizabeth Oropesa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Angeli Bayani in Maestra

Kalaban ni Angeli bilang best supporting actress sina Yayo Aguila (Kiko Boksingero), Shamaine Buencamino (Paki), Jasmine Curtis-Smith (Siargao), Chai Fonacier (Respeto), Nathalie Hart (Historiographika Errata), Odette Khan (Bar Boys), Menchu Lauchengco-Yulo (Ang Larawan), at ang co-star niya sa Maestra na si Gloria Sevilla.

Sa poster ng Maestra ay tatlong pangalan ang above the title: Angeli Bayani, Anna Luna, and Ms. Gloria Sevilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkakahilera at magkakasinlaki ang kanilang mga pangalan.

Sa FAMAS, best actress nominee si Nathalie para sa Historiographika Errata.

Nathalie Hart in Historiographika Errata



Nominadong best actor sa Urian sina Abra (Respeto), Nonie Buencamino (Smaller and Smaller Circles), Timothy Castillo (Neomanila), Noel Comia Jr. (Kiko Boksingero), Allen Dizon (Bomba), RS Francisco (Bhoy Intsik), Empoy Marquez (Kita Kita), Justine Samson (Balangiga: Howling Wilderness), at ang dalawang bidang lalaki sa Changing Partners na sina Jojit Lorenzo at Sandino Martin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nominadong best supporting actor sina Robert Arevalo (Ang Larawan), Romulo Caballero (The Chanters), Pio Del Rio (Balangiga: Howling Wilderness), Ronwaldo Martin (Bhoy Intsik), Jess Mendoza (Sa Gabing Nanahimik ang mga Kuliglig), ang co-stars sa Birdshot na sina John Arcilla at Arnold Reyes, at ang co-stars sa Respeto na sina Dido de la Paz at Nor Domingo.

Gaganapin ang 41st Gawad Urian sa Hunyo 14 sa ABS-CBN Vertis Tent.

NOEL FERRER: “Sana dumami pa ang mga Urianians,” sabi ni Ma’am Gigi Alfonso ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

Hindi nalalayo sa FAMAS ang listahan nila, what with Ricky Lee as the figure head.

Pero mas inclusive ang FAMAS list (na magkakarooon ng Nominees Night mamaya) as they have more mainstream artists in their roster.

A Manunuri member in the presscon said, “We were the ones who first cited and honored Charo Santos in her work in the movies.

"At kahit nga mga hindi kilala o sikat na artista, basta magaling siya talaga ay mano-notice ka ng Manunuri."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tama ang reiteration at punto ng ating kaibigan sa panulat na si Lili Marlene, “I hope the Manunuris would realize that their primary function is not to hand out awards but to come up with reviews and critiques. There.”

GORGY RULA: Karamihan na naman indie films ang nominado na hindi naman napanood ng karamihan. Kaya walang dating sa akin ang nominees ng Urian.

Iba pa rin talaga at kaabang-abang kung big stars ng mainstream movies ang naglalaban.

Ang saya sa awards night na nagdadagsaan ang grupo ng fans para suportahan ang mga idol nila na nominado.

Kaya naman, mas star-studded pa rin ang Guillermo Mendoza Memorial Awards, dahil mga big stars talaga ang pinaparangalan nila.

Popularity ang labanan, hindi ang galing ng performance o ang ganda ng pelikula.

Dadaan lang iyang Urian Awards na hindi natin mamalayan.

Unless may eeksena para mapag-usapan. Yun na lang ang abangan natin.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close