UPDATED. Jenine Desiderio, happy sa pagtatagpo ng mag-amang Juan Miguel at Janella Salvador

by PEP Troika
May 23, 2018

JERRY OLEA: Ayaw magkomento ni Jenine Desiderio sa mga pahayag ng anak na si Janella Salvador nang mapanood nito ang amang si Juan Miguel Salvador.


“The truth is not always welcome and baka makasama pa in the end,” katuwiran ng veteran singer-actress.

Gusto lang linawin ni Jenine na hindi siya kontra sa pagtatagpo ng mag-ama makalipas ang 16 na taon.

Continue reading below ↓


Sabi ni Jenine, “Don’t get me wrong. I’m in a way happy they’re finally in touch...”

NOEL FERRER : Sana nga. Sana nga talaga.

Sana magkaayos ayos na sila.

GORGY RULA: May nakakarating na kuwento tungkol sa effort ni Janella na makipag-ayos sa kanyang ina, pero ayaw na lang nila idetalye.

Continue reading below ↓

Ayaw nilang humaba at lumaki pa ang isyu nilang mag-ina.

Mas gusto na lang nilang maayos ito na hindi na kailangang iparating pa sa media.

Tingin ko, si Jenine ay isa ring inang hindi kayang tiisin ang kanyang anak.

Mas manaig sana ang unconditional love kesa sa foolish pride.

JERRY OLEA: Kaninong “foolish” pride kaya ang tinutukoy ni Tito Gorgy?

Hindi masusukat ang sakripisyo ni Jenine para kay Janella sa napakaraming mga taon.

Hindi siya nanggugulo sa pagtatagpo ng anak at asawang umabandona sa kanila.

Nagtiis siya.

Huwag naman sanang tapak-tapakan ang kanyang pagkatao at pagka-ina.

Hindi niya pinairal ang kanyang pride.

Doon lang siya sa totoo, gaano man kasakit ito.

GORGY RULA: Naintindihan ko po si Jenine kung nasaktan siya sa komento kong "foolish pride."

Hindi ko saklaw ang nararamdaman ng ina sa kanyang sariling anak.

Siyempre, hindi ko naman po alam kung ano talaga ang namamagitan sa kanilang mag-ina.

Continue reading below ↓

Iyon ay sarili kong pananaw sa isyu nilang dalawa na tingin ko nangibabaw ang "foolish pride" sa kung anuman ang kanilang hidwaan.

Humihingi po ako ng paumanhin kay Jenine kung nasaktan siya sa komentong iyon.

Isa ako sa umaayon na huwag nang haluan pa ng kanegahan ang promo ng pelikulang So Connected nina Janella at Jameson na magsu-showing na ngayong araw.

Sa katunayan, iprinomote na rin ni Jenine sa kanyang Instagram ang naturang pelikula.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results