Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Atom Araullo at Citizen Jake director Mike de Leon, may hidwaan?

by PEP Troika
May 23, 2018

JERRY OLEA: Sa aking bilang ay 19 kaming nanood sa 1 p.m. screening ng Citizen Jake nitong Mayo 23, Miyerkules, sa Gateway Mall, Araneta Center, Cubao, Quezon City.


Sa ganang akin, ang pelikula ay crime story na may family drama, at hanash na pampulitika.

Paniniwala ni Roxie Herrera (Gabby Eigenmann), siya si Sonny Corleone sa pelikulang The Godfather (1972), at ang little brother niyang si Jake (Atom Araullo) ay ang youngest son na si Michael Corleone.

Continue reading below ↓

Ang kinahinatnan ni Roxie at amang si Senador Jacobo Herrera (Teroy Guzman) ay kagaya ng nangyari sa mag-amang Sonny at Don Vito Corleone sa The Godfather.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

There was a time na itong The Godfather ay itinuring na “2nd greatest film in American cinema,” at #1 noon sa talaan ay ang Citizen Kane (1941).

Kering-keri ni Atom ang English lines, lalo na sa chikahan nila ni Max Collins (gumanap bilang kasintahan niya).

Lutang na lutang si Cherie Gil sa kumprontasyon nila ni Atom.


Continue reading below ↓

Ang husay-husay ni Cherie bilang dating starlet na si Rosemary Velez, dating kabit ng Presidente, at ngayon ay kilala bilang businesswoman na si Patricia Medina.

Ang paninda ni Patricia ay sariwang laman, at suki niya ang mga yayamanin at makapangyarihan, lalo na ang mga gurang na justice at politician.

NOEL FERRER: Sana mas marami pang tao ang nakapanood nito dahil bihira ang ganitong pelikula na napapanahon at matapang.

Sana umalagwa pa ito dahil sa magandang word of mouth.

GORGY RULA: Nakakalungkot dahil hindi talaga pumalo sa takilya ang mga pelikula nating nagbukas ngayong araw.

Inaasahang hahabol ngayong gabi ang mga young professionals para panoorin ang Citizen Jake, at mga millennials naman dadagsa So Connected.

Puwede ring magtulung-tulong ang supporters at close friends ni Atom na magpa-block screening para makabawi sa takilya.

I’m sure hindi rin magpabaya ang fans ni Janella Salvador at Jameson Blake. Magpa-block screening din sila.

Ang pinangangambahan kasi, baka kunin lahat ng Solo: A Star Wars Story ang mga sinehan kung mananatiling mahina ang dalawang local films natin.

Continue reading below ↓

Patuloy sana nating i-promote ang Pinoy films dahil ganado pa naman ang producers gumawa ng marami pang pelikula.

Napapag-usapan din kung totoong may hidwaan si Atom at ang direktor niyang si Mike de Leon.

Ang dami nang nakapansin sa Facebook account ng Citizen Jake na nag-e-emote si Direk Mike sa lead star niya. Pero mas marami ang kumakampi kay Atom at naba-bash tuloy ang direktor.

Bakit kasi hindi na lang manahimik si Direk Mike alang-alang na lang sa pelikula nila? Hindi yung sarili mo lang ang iniisip.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results