Personal manager ni Alden Richards, hindi nakikialam sa diskarte ng GMA Artist Center

by PEP Troika
May 24, 2018

GORGY RULA: Ang GMA Artist Center (GMAAC) lang ang kinikilalang manager ni Alden Richards.

Ito ang nakumpirma ng PEP Troika mula sa GMAAC, at hindi raw nakikialam si Carlites de Guzman na dating nagha-handle sa Pambansang Bae.


Nakausap namin ang handler ni Alden at ilan pang taga-GMA Artist Center kahapon, May 23, para hingan ng reaksiyon sa ipinost ni Carlites sa kanyang Instagram account.

Continue reading below ↓

Matagal na raw ang isyung iyon ni Carlites sa ilang fans ni Alden, pero hindi na ito lumaki dahil wala namang lumabas na pruweba ng mga ibinibintang sa naturang talent manager.

Nilinaw nilang wala silang na-experience na kamalasaduhan mula kay Carlites.

Hindi naman daw ito umeepal bilang siya ang sinasabing personal manager ng aktor.

Hindi raw ito nakikialam sa pag-handle sa career ni Alden.

Kahit may mga inquiry na idinadaan kay Carlites, kaagad daw niya itong ipinapasa sa GMA Artist Center, para sa negotiation.

Hindi raw nila alam kung ano ang usapan nina Alden at Carlites, pero pagdating sa career ng Kapuso actor, ang GMAAC lang ang nagdi-decide at hindi ito pinapakialaman ni Carlites.

NOEL FERRER: Is that a co-management status, Tito Gorgs? Or ipinaubaya na ni Carlites ang pamamahala ng career ni Alden sa Artist Center?

Ang essence kasi ng co-managerial arrangement ay magkatuwang ang dalawang entities para sa ikauunlad ng career ng isang talent.

Continue reading below ↓

Pero kung yun ang dynamics na sinang-ayunan ni Carlites, e, di malinaw ang ganung arrangement—hindi yun tunay na co-management na magkatuwang sila kapwa.

Whatever works best for Alden and everyone concerned actually.

JERRY OLEA: Ang importante, tuluy-tuloy ang career ni Alden.

Ngayong Huwebes, Mayo 24, ipinagdiwang ng fans nila ni Maine Mendoza ang 149th weeksary ng AlDub.

Meron kayang pasiklab ang AlDub next Thursday?

Andiyan pa ang bagong prime time teleserye ni Alden.

More and more ang mga produktong ineendorso ni Alden, kaya dedma na ang manager niyang si Carlites sa mga negatron at negativity.

Maski itanong niyo pa kay Choco Batok ng San Pedro, Laguna.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results