Atom Araullo, naudlot ang pagtapak muli sa bakuran ng ABS-CBN dahil kay Direk Mike de Leon?

by PEP Troika
May 25, 2018

JERRY OLEA: Nagpapakontrobersiyal ang pelikulang Citizen Jake, pero hindi siya kontrobersiyal.


Matatalas at matatalim ang mga pang-ookray nito sa pamilya Marcos—dating Presidente Ferdinand Marcos, Congresswoman Imelda Marcos, Governor Imee Marcos, at dating Senador Bongbong Marcos.

Dedma lang sina Imee at Bongbong. After all, naihimlay sa Libingan ng mga Bayani ang kanilang ama.

Continue reading below ↓

At ang nakangiting pakli ni Imee, lalo silang sumisikat habang tinitira.

Sa invitational screenings ng Citizen Jake ay lumutang sa social media na kaytapang ng pelikula, pinatutsadahan maging ang “ilusyonadong boksingero,” at may hanash sa dalawa pang senador.

Pati si Pangulong Duterte, pinasaringan nang bonggang-bongga.

Pero hindi nagkaproblema sa MTRCB ang Citizen Jake.

Lusot agad without cuts.

R-13 pa.

Nirespeto ng MTRCB ang obra maestra ng henyong direktor na si Mike de Leon.

Birthday presentation ni Direk Mike de Leon ang Citizen Jake na pinagbibidahan ni Atom Araullo.

Ika-71 kaarawan ng henyong direktor nitong Mayo 24, Huwebes, ikalawang araw ng showing ng kanyang latest masterpiece.

Ang 75 sinehan ng Citizen Jake ay nabawasan na ng 15.

Ewan kung showing pa rin ito sa weekend.

Sa Facebook, may nabasa kaming parunggit ni Direk Mike kay Atom noong Huwebes na kaarawan niya, pero makalipas ang tatlong oras ay hindi na namin iyon makita.

Continue reading below ↓


Binati kaya ni Atom si Direk Mike sa kaarawan nito?

Gusto sanang suportahan ng ABS-CBN ang anti-Marcos film ng dati nilang talent na si Atom.

Balitang pumayag din ang GMA-7 na mag-guest si Atom sa ANC Headstart.

Naudlot ang guesting.

Nanahimik si Atom.

Hindi siya patola.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Ang balitang nakarating sa PEP Troika, may mga kundisyones na inilabas si Direk Mike na gustong isapubliko ang galit niya sa journalist/actor.

Gustong gumimik o may malalim na dahilan ba ang galit na yun?

Kaya, hindi na natuloy ang guesting.

Mabuti na lang at nanahimik na lang si Atom at sa halip ang mga netizen ang nagtatanggol sa kanya.

Dagsa naman ang suporta sa kanya ng pamilya at mga kaibigan niya.

Iyon na lang ang positibong balik ng mga kanegahan ng direktor niya. Hay!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results