Last movie ng KathNiel, sa July na ang showing?

by PEP Troika
May 27, 2018

GORGY RULA: Pormal nang binuksan kahapon, Sabado, May 26, ang pang-apat na branch ng KathNails by KCMB na nail spa ni Kathryn Bernardo.

Eksaktong May 26 nung nakaraang taon, binuksan ang first KathNails ni Kathryn, at ngayon ay nakaapat na siya.

Naisip lang niya itong negosyo para sa mommy niya.

Ngayon ay naisip daw ni Kathryn na pag nakasampung branches na siya, i-open na raw niya ito for franchise.

Lahat na opening ng KathNails ay suportado ni Daniel Padilla.

Kasama siya ni Kathryn na dumating at nag-cut ng ribbon, kasama sina Mommy Min at mga kapatid ni Kathryn na sina Tin Bernardo-Alcantara at Dr. Kevin Bernardo.


Continue reading below ↓

Nagpakita rin ng suporta ang KathNiel fans na umaga pa lang ay nagtiyaga nang mag-abang sa pagdating ng magka-loveteam.

Puspusan na rin ang shooting ng pelikula nilang The Hows of Us na dinidirek ni Cathy Garcia-Molina.

Ang balitang nasagap namin doon ay sa July daw ang showing nito at ito na raw ang huling pelikulang pagsasamahan nilang dalawa.

Bibigyan na raw sila ng TV show na di magkasama pagkatapos nitong The Hows of Us.

JERTY OLEA: Isang taon na ang lumipas nang magtapos ang Kapuso primetime teleserye ng AlDub.

Ang pangakong AlDub movie ay waley pa rin, sa halip ay bida si Alden Richards sa primetime fantaseryeng Victor Magtanggol.

Mala-Dr. Strange nga ba iyon?

Ang LizQuen ay nasa Kapamilya primetime fantaseryeng Bagani, pero ang istorya niyon ay hindi naka-focus sa romansahan ng kanilang mga karakter.

Bida si Liza Soberano sa pelikulang Darna.

May nagawang movies si Enrique Gil na wala si Liza—Dukot at Seven Sundays.

Continue reading below ↓

Ang JaDine, kailan pa ba ang huli nilang teleserye?

Si James Reid ay suporta sa bagong movie ni Sarah Geronimo. Si Nadine, ewan kung matutuloy ang napralalang horror movie.

Nagdiwang ang KathNiel ng kanilang ikaanim na anibersaryo.Inaasahan nating mainit pa rin ang magiging pagtanggap ng moviegoers sa kanilang bagong pelikula.

Napapanahon nang sumubok sila ng ibang katambal.

Congrats kay Kathryn Bernardo sa paglago ng kanyang negosyo!


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: At least, may fallback plan na si Kathryn Bernardo kung anuman ang mangyari sa kanya sa industriya.

At buo ang suporta ni Daniel Padilla at ang fans nila sa negosyo niya.

Sana ganito pa rin ang suporta ng mga fans para sa maturity at pag-unlad ang gagawin nila sa kanilang mga careers in the future.

As their idols develop and mature, may the fans and supporters do too; and vice versa.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results