NOEL FERRER: Naiyak si Jake Zyrus sa kanyang katatapos lang na Music and Me concert sa SM Skydome dahil sa pag-surprise sa kanya ng kanyang mentee sa X Factor Philippines na si KZ Tandingan.

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Mang Modesto na co-finalist ni KZ sa X Factor Philippines sa isang gathering sa Dubai kamakailan.
Nang tanungin si Mang Modesto ng host ng comedy bar kung nagkaroon ba ng kaugnayan sina KZ at Jake (dating Charice), heto ang sagot niya:
“Iyan ang sabi nila ro’n. Hindi galing sa akin iyan ha? Galing siya sa taga-do’n.”
JERRY OLEA: Kakalukring ang tsismis ni Mang Modesto. How immodest!
If ever, ang pagsasalo nina KZ at Jake sa musika ay lalong paiigtingin ng p... pinagsamahan!
NOEL FERRER: Baka mapagbiro lang talaga si Modesto.
