Atom Araullo, tinuldukan na ang isyu nila ni Direk Mike de Leon

by PEP Troika
May 30, 2018

NOEL FERRER: Minsan talaga, nasasagad ang kabutihan ng isang tao.

Hindi na talaga sapat ang manahimik na lang, lalo pa’t ang tinatapakan ay iyo nang pagkatao at kung anumang mabuting pangalang iyong itinaguyod.

Ganyan ang pinagdaanan ng aking talent at kaibigang si Atom Araullo mula sa kanyang direktor sa pelikulang Citizen Jake na si Mike de Leon.


Continue reading below ↓

Ngayong tapos na ang regular showing ng pelikula, inilabas na ni Atom ang gusto niyang ipahayag sa pamamagitan ng mahabang mensahe sa kanyang Facebook account.

Read: Atom Araullo cries foul over Mike de Leon's "hurtful remarks, irrational tantrums, woeful behavior"

GORGY RULA: End of story.

Tama na. Huwag na sanang pahabain pa.

Kapag palakihin pa ito ni Direk Mike, lalo pang lalala at kung anu-anong pangit at malisyosong obserbasyon ang maglalabasan.

Itong statement ni Atom ay magsisilbing tuldok na sana sa isyu nila ni Direk Mike.

Kasi kung hindi pa titigil si Direk Mike, baka kung may iba pang magsasalita ng mga naranasan nila sa naturang direktor at kung ano pa ang lalabas na opinyon mula sa ilang malisyosong observers kagaya ko.

JERRY OLEA: Kakaba-kaba ako sa personal demons ni Direktor Mike de Leon.

Itim ba ang mga iyon?

Sa kindest na masasabi ni Atom, sadyang hindi nahahati ang langit.

Sa isang kisapmata, maaaring mabunyag ang mga isyung nakabilanggo sa dilim.

Continue reading below ↓

Ang mga pangarap ay magigising sa usaping ito, at ihihiyaw ng mga Citizen Jake sa southern winds ang panawagan ni Sister Stella L, “Tama na! Sobra na!”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results