Rowell Santiago, muntik nang masangkot sa vehicular accident

by PEP Troika
May 31, 2018

NOEL FERRER: Muntik nang maaksidente ang gumaganap na Presidente ng Pilipinas sa FPJ's Ang Probinsyano na si Rowell Santiago.

Kaninang tanghali, May 31, isang speeding van ang muntik nang tumama sa kanyang kotse pagliko ng kanan coming from C5 going to Lanuza Avenue, Pasig City.


Ang kotse ni Rowell ay naipit sa gitna ng concrete barrier at isa pang kotse dahil sa traffic.

Continue reading below ↓

SHOCKED! STONED! Ito ang unang beses na naranasan ni Rowell ang ganung sitwasyon, at napatigil na lang sila sa kinaroroonan.

Ang wish na lang ni Rowell ay maging higante na buhatin na lang ang kotse at ilipat sa ibang lane.

Ang bali-balita sa mismong pinangyarihan ng aksidente ay mayroon daw nakatulog behind the wheel; pero isa lang yun sa mga posibilidad ng puwedeng ikinadisgrasya ni Rowell.

Kaya ingat ingat din talaga and mag-seat belt kahit nasa likod ka ng sasakyan.

GORGY RULA: Diyan din sa bahagi ng Lanuza may naka-engkuwentro noon si Arnell Ignacio na traffic enforcers na umabot sa demandahan.

Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa kaso nila, pero ang tapang nun ni Arnell na hinarap niya ang mga kapulisan.

Sana maging mahinahon at maingat sa ating pagda-drive dahil iyang traffic na iyan, nandiyan na iyan. Wala na tayong magagawa.

JERRY OLEA: Muntik nang mategi...

Continue reading below ↓

Salamat at nakaligtas si Rowell sa bingit ng kamatayan.

Naalala ko tuloy si Mark Bautista.

Gagawa rin kaya ng libro si Rowell?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results