Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Gabby Concepcion, "pinagtulungan" nina Keanna Reeves at Ethel Booba

by PEP Troika
May 31, 2018

JERRY OLEA: Pinagtulungang "landiin" nina Keanna Duterte Reeves at Ethel Booba si Gabby Concepcion nang mag-guest ang dalawang sexy comedienne sa Celebrity Bluff ng GMA-7.


“Sobrang saya, promise!” post ni Keanna sa Facebook nitong Huwebes, Mayo 31.

Nag-PM kami kay Keanna at inusisa kung ano ba ang ganap sa guesting nila sa game show ni Eugene Domingo, kung saan pampasarap si Gabby.

Continue reading below ↓

Chika ni Keanna, “Sabi ko kasi kay Gabby, crush ko siya noon pa.

"Sabi niya, matagal na raw niya akong gustong makilala, kasi, Duterte nga raw ako.

“Gusto niya akong makilala nang personal. 'Tapos, sabi ko, ‘Puntahan mo ako sa bahay ko...’

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“He! He! He! He! Tumatakbo ang show, nilalandi namin siya at nagpapalandi rin naman siya sa amin ni Ethel. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Ang sarap pa rin niya!”

Naku, huh?! Fiftysomething na si Gabby, ‘no?! Di ba, mas bet ni Keanna ang mga bagets?!

Paliwanag ni Keanna, “Bet ko ang mga bagets pero, di ba, crush ko siya dati?

"Siyempre, iba pa rin ‘yun if ever matikman mo ang crush mo, di ba?

“Pangarap mo dati yun, di ba?

“Biniro ko nga, eh... ‘Sayang, naunahan ako ni Sharon!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Matutunghayan ang episode na ito ng Celebrity Bluff sa Hunyo 2, Sabado, pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA-7.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Levelling talaga ni Keanna, ha... Gabby Concepcion.

Isa ba itong bluff din kay Gabby o sa audience?

I’m sure riot ang kalalabasan ng episode na iyan kapag naiere na.

Pero sa tingin niyo, between Keanna and Ethel, kanino papanig si Gabby na hanap din kasing magpakilig?

Pumayag ba si Uge na maungusan siya ng dalawang guests niya? Aba, aba!!!

GORGY RULA: Ilang taon na ba si Keanna? May 50 na ba siya?

Ganun pa rin ba ang drama niya pag pa-senior citizen na siya?

At least si Ethel, nakakaaliw naman ang patawa niya. Nakapaglibro pa nga siya.

Si Keanna, walang bago, palandi-landi lang.

Teka pala. Totoo bang malapit nang matapos ang Celebrity Bluff?

Ang The Clash daw ni Regine Velasquez ang ipapalit sa timeslot nito.

Parang season break yata ang Celebrity Bluff ni Eugene Domingo.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results