Tatlong Kasal movies, alin ang pinakamaganda?

JERRY OLEA: Kasal? (1980) nina Hilda Koronel at Christopher de Leon ang first major work ni Laurice Guillen bilang film director.


Malayo rito ang istorya ng pelikulang Kasal (2018) nina Bea Alonzo, Paulo Avelino at Derek Ramsay, sa direksiyon ni Ruel S. Bayani.

Nasa ikatlong linggo na ng pagpapalabas ang Kasal, kung saan may shower scene sina Paulo at Derek.


Mapapanood din muli ngayong Hunyo ang indie film na Kasal: The Commitment (2014) nina Arnold Reyes at Oliver Aquino, sa direksyon ni Joselito Altarejos.

Best Film ito sa Director’s Showcase ng Cinemalaya 2014, at ipinalabas noong 2015 sa gay & lesbian film festivals (Torino, Bangkok, Taiwan at Indonesia).


Makatotohanan ang love scene dito nina Arnold at Oliver.

Maalab. Maigting.

Pero wala silang frontal nudity.

Naunang nai-cast dito si Oliver.

Walang plaster na nakipag-trial love scene si Oliver sa tatlong lalaki bago napili si Arnold na katambal niya.

“Si Arnold kasi, naging embodiment na siya ng character ni Sherwin. Tama ang kanyang atake. Walang arte at mature na,” sabi ni Direk Joselito.

Nominadong best actor si Arnold sa Gawad Urian para sa pagganap niya rito.

Gaano katagal bang kinunan ang lampungang petmalu? Nakailang take sina Arnold at Oliver?

Tugon ni Direk Joselito, “We had two takes for the love scene. No cuts. One long take.”

Matutunghayan ang R-18 version ng Kasal: The Commitment ngayong Hunyo sa Cinema Centenario (#95 Maginhawa St., Quezon City, 0945-536-7054):

June 2, Saturday, 12:30 a.m. (Beyond Midnight Screening)
June 6, Wednesday, 11:00 p.m.
June 8, Friday, 12:30 a.m. (Beyond Midnight Screening)
June 30, Saturday, 2:30 p.m.

Bilang pakikiisa sa buwan ng LGBT, ipapalabas ang R-16 version ng Kasal: The Commitment sa Cine Lokal (Hunyo 22-28).

Walong SM cinemas ang pinagpapalabasan ng Cine Lokal: SM Manila, SM Sta. Mesa, SM North EDSA, SM Mall of Asia, SM Megamall, SM Bacoor, SM Fairview, at SM Southmall.

NOEL FERRER: Kakaiba ang naging proseso rito sa shoot ng Kasal (2014).

Magandang malaman iyan mismo kapag nakausap na natin siya sa Level Up radio program ko sa Sabado.

Gaano katotoo na may kakaiba ring kuwento ang aktor at direktor rito? Le-level man lang ba sila sa bangayan ng Ingleserong aktor at direktor ngayon?

Ano na ang hitsura ng walang takot maghubad na si Oliver Aquino? Aabangan natin iyan sa Sabado.

Maliban sa pinahabang love scene, ano pa ang dagdag sa mapapanood na bagong version? Ano ang rating nito sa MTRCB? Wala kayang cuts ito?

And since may SM Cinemas na paglalabasan, di ba bawal ang R-18 dun o may special arrangement ito dahil Cine Lokal?

GORGY RULA: Sana nung na-restore ang Kasal? ni Direk Laurice, sumabay ito sa showing ng Kasal ni Direk Ruel.

'Tapos, isusunod naman ang Kasal ni Direk Jay para mapanood uli sa commercial theaters nung isinu-showing itong kay Direk Ruel.

Pagkukumparahin sila at magkakaalaman kung alin ang pinakamagandang bersiyon ng Kasal.

Kung ako ang magdya-judge, number one sa akin ang kay Direk Laurice, second ang kay Direk Jay, at pangatlo itong kay Direk Ruel.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN