Sid & Aya nina Dingdong Dantes at Anne Curtis, wagi sa takilya

by PEP Troika
Jun 1, 2018

JERRY OLEA: As of June 1, Friday, 10 a.m., palabas pa ang pelikulang Citizen Jake sa 11 sinehan.


Opo! Showing pa rin ang anti-Marcos film nina Atom Araullo at Direktor Mike de Leon sa Black Maria, Cinema 76 Anonas, Cloverleaf, Eastwood, Gateway, Powerplant, Robinson’s Galleria Ortigas, SM Marikina, SM Megamall, Vista Evia, at Vista Las Piñas.

Continue reading below ↓

Waley na ito sa SM Baguio.

Iyong Sid & Aya nina Dingdong Dantes and Anne Curtis, ang press release ay naka-PHP9M noong first day (May 30).

Mabenta ito sa mga gago, ginago, at ginagago sa pag-ibig.


Kumusta kaya iyong Ang Misyon: Marawi Siege Story ni Martin Escudero na noong Wednesday din nag-debut?

Continue reading below ↓


Iyong Ang Panahon ng Halimaw ni Direk Lav Diaz, palabas pa rin today (Friday, June 1) sa apat na sinehan—lorietta 4, Trinoma, Market Market, at Alabang Town Center.

234 minutes (almost 4 hours) ang running time ng musical film, na nagtatampok kina Piolo Pascual at Shaina Magdayao.


Continue reading below ↓

Syanga pala, is there something wrong with Jurassic World: Fallen Kingdom?

Sa June 22 pa ito ipapalabas sa North America, pero sa Pilipinas ay showing na sa June 6 (Wednesday).

May advance ticket selling na ito sa local cinemas.

NOEL FERRER: Are the Pinoys going back to the theaters na?

Unti-unti naman na sana. (Ako mismo, paglalaanan ko iyan ng oras ngayong weekend.)

The box-office winner this time are Anne and Dingdong. Congratulations!

At si Anne, may isang pambala pa—ang Buy Bust ni Erik Matti na finally ay ipapalabas na raw ng August 1.

Sana talaga maiangat pa ang suporta natin sa mga pelikulang Pilipino!

GORGY RULA: Ayon sa aming reliable source, halos PHP9 million nga raw ang kinita ng Sid & Aya nina Dingdong Dantes at Anne Curtis.

Samantala, ang napakahabang Ang Panahon ng Halimaw ni Direk Lav Diaz ay halos 200,000 pesos lang ang kinita sa unang araw ng showing nung Miyerkules, May 30.

Continue reading below ↓

Ang hirap na raw paangatin pa sa sumunod na araw.

Samantala, sa second day of showing ng Sid & Aya ay tumaas pa raw ang kita nito ng 20 percent.

Kaya sina Dingdong at Anne ang winner sa mga pelikulang ipinalabas ngayong linggo.

Hindi na inalam kung magkano ang kinita ng Marawi Seige Story dahil parang dumaan lang daw ito sa mga sinehan. Hindi na naabutan ng ilang gusto pa sanang panoorin ito.

Maiksi ang pasensiya ng theater owners sa mga super-hinang peikula, kaya dapat talaga sa first day pa lang ay tumuloy na tayo sa sinehan para mapanood bago ito palitan ng ibang pelikula.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results