Kapatid ni Nathalie Hart, nabigong makuha ang Mister Grand Philippines 2018 title

GORGY RULA: Muling sumali sa isang male beauty pageant ang kapatid ni Nathalie Hart na si Lord Kenneth Snell, pero hindi siya pinalad.

Isa siya sa mga contestant sa Mister Grand Philippines 2018 na ginanap sa Crossroads sa Quezon City kagabi, June 2, pero hanggang sa Top 10 finalists lang ang inabot niya at wala siyang nakuhang title.


Sabi ni Lord Kenneth, kung bibigyan siya ng isa pang pagkakataong sumali sa ganitong competition, sasali pa rin daw siya.

“Kung talagang desisyon ng Diyos ito para sa akin, bakit hindi? Ang title, pangalan lang iyan.

“Pero hindi ako puwedeng maging negative, e.

"Hindi naman yung title ang magbibigay sa akin ng pangalan, e. Kilala ko ang sarili ko.

“I want to prove myself by doing my own… own na lakad,” sabi ng 24-anyos na bunsong kapatid ni Nathalie.

Nandiyan naman daw ang suporta sa kanya ng kanyang ate. Hindi nga lang ito nakadalo sa naturang competition dahil busy raw ito.

Payo raw sa kanya ng kanyang Ate Nathalie, “Just go with the flow. Makakamit mo lahat na pangarap mo, magtiwala ka lang sa Diyos."

Ang nagwaging Mr. Grand Philippines 2018 na magiging representative ng Pilipinas sa Mr. Grand International 2018 na gaganapin din sa ating bansa ay si David Simon Reyes ng Makati City.

NOEL FERRER : Try and try ... baka naman kung iba namang beauty pageant ang salihan ni Lord ay magwagi na siya.

Sabeh?!!!

JERRY OLEA: Sumali rin si Lord sa patimpalak ng isang resort sa Pagudpud, Ilocos Norte.

Ngangey rin siya roon.

Ganoon talaga ang buhay ng mga kontesero at kontesera.

Win some, lose some.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN