Pelikula nina Judy Ann at Allen, pinalitan na ang title; Juday, may bagong leading man sa Starla

by PEP Troika
Jun 4, 2018

GORGY RULA: Hindi na pala Bayang Magiliw ang title ng first movie ni Judy Ann Santos kay Direk Brillante Mendoza, kundi pinalitan na ito ng Maguindanaw.

Nasilip ng PEP Troika ang trailer ng naturang pelikula.

Kitang-kita kung gaano ito kalaki at ibang-iba sa mga nagawa ni Juday.

Bumagay pa sila ng leading man niyang si Allen Dizon na gumaganap bilang isang Muslim na military na asawa ni Juday.


Continue reading below ↓

Sabi nga ni Allen, hindi niya akalaing sa kanya pa ibibigay ni Direk Brillante ang naturang project dahil katatapos lang niya ng Right To Kill na mauuna yatang ipalabas.

Sinubukan lang niyang mag-audition at sa kanya ibinigay nang hindi pumuwede ang ilang Kapamilya actors na unang inalok sa role na yun.

Okey lang daw kay Allen kung panglima o pang-ilang choice siya, dahil sa kanya naman napunta.

Isa raw ito sa mga pelikulang ipinagmamalaki niya nang husto.

Ito rin kaya, Sir Noel, ang pelikulang pasabog ni Judy Ann sa 2019?

NOEL FERRER: Puwedeng iyan nga ang pasabog na entry ni Juday sa mga international filmfest—maganda at napapanahon ito kung sakali.

Bukod sa pelikula, mayroon ding pasabog na teleserye si Juday ngayong taon. Isa itong inspirational project na pinili talaga para sa TV comeback project ng Teleserye Queen.

Isa ring pasabog ang magiging leading man ni Juday sa teleserye niyang Starla.

Continue reading below ↓

Mula kasi ito sa kabilang bakod na sosorpresa na lang na Kapamilya na pala.

JERRY OLEA: Nakatrabaho rin ni Direk Brillante si Allen sa Netflix series na Amo.

Pasado sa naturang Cannes best director ang akting ni Allen, na kahit sandamukal na ang acting awards ay minamaliit pa rin ng iba sa industriya.

Bumilib din si Direk Brillante kay Juday na nakaagapay sa estilo ng pagtatrabaho niya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results