Frank Magalona, nakalabas na ng kulungan pagkatapos maimbestigahan

by PEP Troika
Jun 4, 2018

GORGY RULA: Na-inquest na si Frank Magalona sa Southern Police District sa BGC, Taguig City kaugnay ng reklamong acts of lasciviousness na inihain ng VIP host ng Revel Bar na kinilalang si Jemmelle Reyes.


Ayon sa kuwento ni Reyes, nangyari ang insidente kaninang madaling-araw, June 4.

Continue reading below ↓

Kasama raw niya ang isang server nang kumuha sila ng drinks.

Bigla na lang daw siyang may naramdamang dumaklot sa kanyang puwetan.

At nang nilingon niya ito, nakita raw niya si Frank na dumaan sa kanyang bandang likuran.

Kaagad na isinumbong ni Reyes ang insidenteng ito sa kanilang supervisor.

At sa tulong ng head bouncer, ipina-blotter niya si Frank sa police station sa BGC, kaya hinuli at na-detain ang aktor.

Nakausap naman ng PEP Troika si Superintendent Tomas Apolinario ng Southern Police District kanina.

Nalaman naming pagkatapos imbestigahan si Frank, kaagad itong pinakalawan at hindi na raw kailangang magpiyansa pa.

Ang reklamong acts of lasciviousness na inihain ni Reyes ay bumaba na lang daw ng unjust vexation.

JERRY OLEA: Malinaw na hindi ito sexual harassment.

Hindi rin ito modus operandi sa Revel Bar.

Araw-araw sa MRT, LRT, at bus, maraming babae na nakiskisan sa kanilang katawan ng harapan ng lalaki.

Continue reading below ↓

Iyong iba, tahimik na lang at nagtitiis.

Ang ibang nagrereklamo, pinagsasabihang mag-taxi o mag-Grab kung ayaw makaranas ng unjust vexation.

NOEL FERRER: Kinausap namin ang mommy-ger ni Frank na nanay niyang si Pia Magalona.

Heto ang sabi niya sa amin: “Hi, guys. Thanks for your concern. I’ll update you later ok. I’m just finishing a deadline to submit Elmo’s requirements for NJ show now ok."

May bago rin kasing teleserye si Elmo kaya good news iyan para sa pamilya.

Read Next
Read More Stories About
pep troika
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results