Arnell Ignacio, nawalan ng love life dahil sa tungkulin niya sa OWWA

by PEP Troika
Jun 4, 2018

JERRY OLEA: “Adik” si Arnell Ignacio!

Inamin ng Deputy Executive Director ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa DZRH program na Showbiz Talk Ganern nitong Hunyo 4, Lunes ng gabi, na naaadik siya sa pagtulong sa mga OFW, lalo na sa mga kababayan nating nagkakaproblema sa kanilang amo sa Middle East.


Continue reading below ↓

Ani Arnell, damang-dama niya ang pasasalamat at pagmamahal ng mga natutulungan niyang Pilipino sa init ng kanilang mga yakap, at hinahanap-hanap niya iyon.

At dahil adik siya sa pagdamay at pagmamalasakit sa mga kababayan, nawalan si Arnell ng oras sa kanyang kasintahan.

Nagkahiwalay sila.

Independent na si Arnell.

Malaya!

“Kung kailan pa naman madalas ako sa Middle East kung saan nagtrabaho siya for so many years, saka kami nagkahiwalay,” sambit ni Arnell.

Teka.... may activities ba siya para sa mga OFW sa Araw ng Kalayaan o Independence Day?

“Ise-celebrate natin ang Migrant Workers’ Day sa June 7,” sabi ni Arnell.

“Pero sa Independence Day... parang gusto ko namang mag-enjoy sa pagiging independent ko!”

NOEL FERRER: Naku, ganun pa rin ba yung pagpipilian—career o love life?

Ngayon kay Arnelli, pagtulong sa OFW o pagmamahal sa sarili?

Kayang-kaya niya iyan pagsabayin.

Ang maganda kay Arnelli, napapagaan niya ang mabigat at mahirap na mundo ng mga OFW.

Continue reading below ↓

Keep up the good work, Arnelli!

GORGY RULA: Itong trabaho ni Arnelli sa OWWA, sinasabi niyang malaki talaga ang nagagawa ng kanyang pagiging artista kaya nagagawa niya ang dapat gawin, lalo na ang pakikipag-usap sa mga OFW na may isyu sa bansang pinagtatrabahuan nila.

Saad ni Arnelli, "Marami kasi akong napapaliwanag sa kanila, in my language na hindi nila tatanggapin kung yung usual na government official ang magpapaliwanag… medyo resistant sila.

"Pero kung ako na ang magsasalita, masasabi ko in less complicated terms yung gustung-gusto nilang magpaliwanag.

“Katulad kunyari, pag may maling nagawa, kapag taga-gobyerno kang typical, medyo ingat na ingat ka kasi baka ma-misinterpret ka.

"Pero kapag ako na ang nagsasabi sa kanila, sinasabihan ko lang ‘mga luka-luka, hindi ganyan, 'no! Tatanggapin nila yun.”

Dagdag pang kuwento ni Arnelli, “Kunyari, pag may magrereklamo, puwede kong sabihin sa kanila na, 'Talaga ba, ate? Sabihin nila, ‘Opo’. ‘Mamatey?’ ganyanin ko lang sila.

Continue reading below ↓

“Imadyinin mo naman kung ang isang government official ang magsasabi nun, siyempre hindi naman nila gagawin yun.

"Alangan namang ganun din magsalita si Secretary Cayetano, ‘mamatey?’ Lalo na si Presidente, ‘mamatey?”

Kaya nagpapasalamat si Arnelli na isa siyang artista dahil mas pinapakinggan siya at naiintindihan ng mga OFW na kausap niya.

“Ang laki-laki ng utang na loob ko sa show business pagdating sa function ko dito.

"Kasi yung communication natin… eto talaga, ha... for whatever it's worth… lalo na yung tayo kung magsalita tayo…kapag may maseselan na bagay, sa atin hindi problema yun, e. Nagkakaintindihan tayo, e.

“Nandun pa yung lambing ba? Yung charm.

"Hindi masakit sa kalooban. Hindi masakit sa tenga, so malaking bagay ito,”  saad ng OWWA Deputy Executive Director.

Nami-miss na rin daw ni Arnelli ang showbiz.

Kung kaya lang daw sa schedule niya, gusto niyang guesting lang muna para kahit paano napapanood pa rin siya.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results