Lumang Malaysian TV series ni Gary Estrada, palabas sa Netflix

by PEP Troika
Jun 5, 2018

JERRY OLEA: Palabas na sa Netflix ang Malaysian TV series na Moving On, kung saan leading men sina Gary Estrada at Ariel Rivera.


Sabi ni Gary nang makachikahan namin sa Messenger nitong Hunyo 4, Lunes ng gabi, “Ginawa ko siguro iyan 10 to 12 years ago pa.”

Noong 2016 ipinalabas sa Malaysia ang TV series kung saan bida ang Malaysian model na si Irene Santiago bilang Malaysian lawyer na si Melissa Chan.

Continue reading below ↓

Katambal ni Irene si Gary bilang Filipino PR man na si Mike, at si Ariel bilang Filipino singer na si Dennis.

Twenty-one episodes ang series, at 19-21 minutes ang running time ng bawat episode.

Nag-shooting ito sa Malaysia at sa Pilipinas.



Kuwento pa ni Gary, “Famous model si Irene sa Malaysia. Noong time na ‘yan, marami siyang endorsement sa Malaysia.

Continue reading below ↓

“Ang counterpart na Filipino sa production ay si Mommy Kitchie Benedicto.

“I had a blast shooting in Malaysia, kasi naka-stretch ang mga scenes ko sa madaming araw.

“'Tapos, ang mga Malaysian, they have 10-hour or 12 hours work rule ba yun?

“Hindi sila puwedeng sumobra doon. Iniiwan nila talaga ang set. He! He! He! He!

“And siyempre, the treatment was good din. Alaga ni Mommy Kitch B, e!”

Hindi si Gary ang first choice para maging bidang lalaki sa nasabing series.

“Nakakatuwa nga, kasi di dapat sa akin ang role, as far as I remember,” sabi ni Gary.

“Then, one day, tumawag si Mommy Kitch sa akin. May script daw.

“Matagal kasi akong nagpolitika na noon, e. Parang pagbabalik-artista ko pa yun.

“So there, nagustuhan ko ang script. Parang tailor-made sa akin yung script pag napanood mo.”

Akala ni Gary ay naka-shelve na ang nasabing TV series.

Continue reading below ↓

“Buti nga, may nakapagsabi sa akin na nakita raw niya ako sa Netflix,” pakli ni Gary.

“Nakakatuwa, kasi Netflix na kami, di ba?! And sa series pa!”

Palabas din sa Netflix ang TV series na Amo (idinirek ni Brillante Mendoza, at pinagbidahan nina Vince Rillon, Derek Ramsay at Allen Dizon) at ang pelikulang Birdshot (idinirek ni Mikhael Red, at tinampukan nina Mary Joy Apostol, Arnold Reyes, Ku Aquino at John Arcilla).

GORGY RULA: Tuwang-tuwa si Gary Estrada dahil maganda ang feedback ng afternoon drama nila sa GMA-7 na The Stepdaughters.

Mai-extend pa raw ito, kaya bumalik ang dating sigla ng showbiz career ni Goryo.

Pero nandiyan pa rin ang plano niyang ipagpatuloy ang public service kaya may balak na ito sa 2019 elections.

Hindi lang masabi sa ngayon ni Gary kung anong posisyon ang tatakbuhan niya sa Quezon.

Ngayon pa lang nga, sinasabi na ni Kiko Estrada na all-out pa rin ang suporta niya at pangangampanya para sa political career ng kanyang ama.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Katulad nina Lito at Mark Lapid, pati na rin ni Jolo Revilla sa FPJ's Ang Probinsyano, isa rin si Gary Estrada sa napaka-active sa telebisyon.

Siguradong magiging malaking boost ito sa kanilang political campaign sa susunod na eleksyon.

Sana’y magampanan nila nang maayos ang kanilang roles katulad ng pagtupad sa kanilang mandato bilang public officials, na dalawang bagay na iba ang skill set at dedikasyon at disiplinang kailangan, ha.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results