Joel Lamangan, mas magaling na aktor kesa direktor?; mapapasabak sa maselang eksena kasama ang baguhang aktor

JERRY OLEA: “Nothing to be excited about, role lang, trabaho lang! Professional ako, ‘no?! Chos!! Hehehe!”

Statement iyan ng multi-awarded director na si Joel Lamangan nitong Hunyo 5, Martes ng umaga, kaugnay sa hipuan at bl*wj*b scene niya with 23-year-old Kevin Sagra sa 2018 Cinemalaya entry ni Direk Louie Ignacio na School Service.

Next shooting schedule pa makukunan ang intimate scene na iyon.


Hindi na bago kay Direk Joel ang dumaklot sa harapan ng kaeksenang aktor sa pelikula.

Bilang floor manager ng gaybar, nag-mahjong at nag-piano ang kanyang palad sa mga nag-a-apply na macho dancer—kay Allan Paule sa Macho Dancer (1988, directed by Lino Brocka) at kay Leonardo Litton sa Burlesk King (1999, directed by Mel Chionglo).

“Yes!! Part of the task asked of me by my director and of the script, trabaho lang!” pagdidiin ng 64-anyos na si Direk Joel, na noon pa man ay umaakting sa pelikula, TV, at teatro.

First time na mapapasabak si Direk Joel sa bl*wj*b scene.

Aniya, “Wala pa akong ginawang BJ. Hindi ko pa alam kung paano gagawin ni Direk Louie!

“Bahala na siya. Alam mo naman ako, I always follow the director’s orders!”

Aligaga si Direk Joel sa rehearsal ng idinidirek niyang Binondo: A Tsinoy Musical, at pasingit-singit lang ang shooting niya sa pelikulang School Service.

GORGY RULA: Maraming pelikulang idinirek ni Joel na gustung-gusto ko. Pero may mga ilan ding di ko type.

Pero lahat ng nilabasan ni Direk Joel bilang artista, sa pelikula o kahit sa stage play, ang galing-galing niya.

Kahit nga kapiranggot lang na appearance, nagmamarka.

Kaya masasabi kong mas magaling siyang aktor kesa direktor.

NOEL FERRER: Agree ako sa 'yo, Tito Gorgy.

Iba ang ningning ni Joel Lamangan bilang aktor.

Noong bata ako, napanood ko siya sa Rajah Soliman Theater ng PETA sa Fort Santiago bilang mapaniil na lider sa Macli-ing. Mapapamura ka talaga sa husay.

Meron siyang role na pulis sa Violator ng Cinema One Originals, at napakagaling niya sa Best Picture na yun ng festival.

Nag-cameo siya sa Separados at kahit sa Deadma Walking. Pagkagaling-galing niya talaga sa malilit na roles.

Inaabangan ko rin ang restaging ng Galileo ng PETA, kung saan nanalo siya ulit ng Best Actor Award sa GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students).

Kaya naman kaabang-abang itong Cinemalaya film ni Direk Joel bilang aktor.

Ibang-iba ito sa recent movie releases niya na ina-assign sa kanyang idirek.

He definitely deserves better.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN