Gloria Diaz, bakit bawal mag-ingay sa bahay ng anak na si Isabelle Daza?

GORGY RULA: Ipinagmamalaki ni Gloria Diaz kung gaano ka-"Super Mommy" si Isabelle Daza sa anak nito at apo ng dating Miss Universe.


Bilib daw siya kay Isabelle na talagang hands-on sa pag-aalaga sa anak nila ni Adrien Semblat.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaki rin daw kasi ang impluwensiya ni Adrien na very personal din ang pag-aalaga sa kanilang baby boy.




“She’s a better mommy than I was, and the father of course is a Super Daddy.

"They’re the ones who cleanse the baby, wash him. He takes a baby a bath,” kuwento ni Gloria sa presscon ng FDCP’s PelikuLAYA sa Cine Lokal: An LGBT Film Festival ,na ginanap sa Cinematique ng FDCP ngayong hapon, June 5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa ni Gloria, nung panahon daw niya, tama na yung isang buwang breastfeeding sa baby.

Pero itong kay Isabelle, anim na buwan daw itong naka-commit na magpa-breastfeed sa kanyang anak.

Kaya natutuwa raw siyang malaki ang ipinagbago ni Isabelle magmula nang maging mommy na ito.

Ang isa pa raw sa ikinatuwa niya, hindi sila puwedeng mag-ingay sa bahay nina Isabelle dahil gusto nilang sanayin ang baby sa tahimik na lugar.

“Very quiet and soft music lang.

“The husband kasi talks the baby in whispers, maliit ang boses, para hindi raw maingay.

“Ako kasi maingay, di ba?

"So, when I go to her house, I’m also very quiet and everything," pahayag ng veteran actress.

Bahagi sa LGBT Film Festival ang pelikula ni Gloria na Si Chedeng at Si Apple, na dating entry sa Cinema One Originals.

Magsisimula ang LGBT Film Festival sa June 22 hanggang 28 at ipalalabas sa SM Cinemas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa Si Chedeng at Si Apple, mapapanood din sa filmfest na ito ng Cine Lokal ang gay films na Kasal ni Direk Jay Altarejos, Lihis ni Direk Joel Lamangan, at ang documentary film na Outrun ng Ladlad.


JERRY OLEA: Hunyo 28, 1969 naganap ang police raid sa Stonewall Inn, Greenwich Village sa New York City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iyon ang mitsa ng Stonewall riots — sunud-sunod na violent demonstrations ng LGBT community.

Ito ang itinuturing na pinakaimportanteng ganap tungo sa gay liberation movement sa Amerika.

Kaya tamang-tama ang LGBT festival ng Cine Lokal ngayong Hunyo 22-28.

Si Gloria Diaz ay pumapel na lesbian sa Si Chedeng at si Apple (2017) at ang anak niyang si Isabelle Daza ay gumanap bilang anak ng gay NPA member sa Lihis (2013).

NOEL FERRER: Buti naman at kahit sa pelikula ay pinahahalagahan na ang LGBT sector.

At kinakatawan ni Gloria Diaz ang paglaya sa gender bias sa mga lesbian sa pelikula.

Napanood ko itong ginawa nila ni Elizabeth Oropesa at maayos naman talaga ito.

Sana mas marami pang mga pelikulang progesibo na sumusuporta sa LGBT community.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close