Carrot Man Jeyrick Sigmaton, pursigido sa pagpasok sa showbiz

by PEP Troika
Jun 6, 2018

JERRY OLEA: Itinanggi ni Jeyrick Sigmaton a.k.a. Carrot Man na naging girlfriend niya ang Kapuso handler na kasa-kasama niya noon.

“Hindi po! Hindi po naging kami,” matamang sambit ni Jeyrick nang makausap namin noong Hunyo 2, Sabado nang hapon sa Rotary Club Center, Roces Av. corner Mother Ignacia St., Quezon City.

“Naging assistant lang ho namin siya noon. Siya yung nag-guide sa akin po.”

Inlabey ba sa kanya yung girl na ‘yon, na laging nakasunod noon sa kanya?

“Hindi ko po alam. Kasi, ano, noon po, siya ang nag-assist sa amin sa GMA. Kasi, hindi ho namin alam.”


Continue reading below ↓

Iyong sinabi niyang nag-iisang ex-girlfriend niya, isa bang Igorota?

“Opo,” mabilis na tugon ni Jeyrick. “Before po ‘yon.”

Natawa si Jeyrick nang usisain namin kung nami-miss ba niya ang kanyang ex.

Wala na siyang time?

“Hindi naman ho sa walang time,” napapangiting lahad ng binata.

“Pero... meron na siya, kaya ...”

Lungkut-lungkutan siya?! May anak na ang dati niyang kasintahan?

“Wala pa sa ngayon. Pero alam ko, buntis ata.”

Matagal-tagal na silang hiwalay ng ex-GF niya kaya sigurado si Jeyrick na hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis nito.

Sigurado ba siya na wala pa siyang nabubuntis?
“Wala pa po. Ha! Ha! Ha!”

Bago pagtuunan ang love life o sex life, focus muna si Jeyrick sa workshops.

Nakaapat na session na siya sa acting workshop ni Direk Jigz Recto, na in-organize ng talent manager na si Benjie Alipio.

Nakaisang voice lesson na rin siya, kung saan tinuruan siya ng teknik sa pagkanta.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER : Mag-aartista talaga si Carrot Man?

Siya na ba ang papalit sa naiwang puwang ni EJ Falcon kay Benjie Alipio?

Sana naman hindi ito isa na namang set up for a heartbreak kay Benjie. I guess, he knows better now!

GORGY RULA: Nung kainitan ni Carrot Man, pinag-aagawan sya ng dalawang higanteng network.

Ngayon kaya ay pag-aagawan pa siya?

Sinubukan siya noon ng GMA Artist Center na bihisan at ibahin ang look, wala namang nangyari.

Ngayon kaya may magagawa ang bagong manager?

Kulang ng leading men ang Kapuso network, may puwang kaya doon si Jeyrick?

Malaking challenge 'yan sa mga nagha-handle sa kanya ngayon kung mapapasikat nila si Carrot Man.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results