Sunshine Cruz, Kiko Estrada, Martin del Rosario, magsama-sama sa mapangahas na pelikula

by PEP Troika
Jun 7, 2018

JERRY OLEA: This is about Sunshine Cruz, na nagmumura, pero hindi balahura, ang alindog sa pelikulang My Stepmother’s Lover.

Apat na shooting days na lang ang natitira sa mapangahas na pelikula, kung saan may intimate scenes si Sunshine sa young actors na sina Kiko Estrada at Martin del Rosario.

Pwetmalu si Kiko sa pelikulang ito, at malamang sa alamang ay nag-alab ang kanyang pagkalalaki sa kagandahan ni Sunshine.

Walang kiyeme latik sina Sunshine, Kiko at Martin sa sexy scenes.


Continue reading below ↓

“Mabuhusay silang actors. They know the demands of the scene. We discuss it before each take,” sabi ng direktor nilang si Adolf Alix Jr. nang makatsikahan namin nitong gabi ng Huwebes, June 7.

Dagdag pa niya, “Professional po sila.”

Adult-themed ang pelikula, at malamang na R-16 ang target rating nito sa MTRCB.

"Anatomy ito ng relationships—friendship, family and of betrayal and revenge,” lahad pa ni Direk Adolf.

Ang producer nito ay si Arnold Vegafria para sa ALV Films.

NOEL FERRER : Nakita ko rin na kasama rin dito si Samantha Lopez, na nakilala bilang Gracia sa Eat Bulaga.

Sana nga ay makatulong itong pelikulang ito para makilala ang husay sa pagganap ng mga artistang kasama rito.

At sana’y mabawi rin ang puhunan nito—dahil ang alam ko ay meron pang isang pelikula na under ALV din, na tampok si David Licauco under Joel Lamangan naman.

Continue reading below ↓


GORGY RULA: Ayaw nilang sabihing remake ito ng Tag-ulan Tag-araw (1992), na pinagbidahan dati ng ama ni Kiko na si Gary Estrada.

Basta inspired nga raw ito sa naturang pelikula.

Kaya na-excite naman si Gary nang nalaman niyang gagawin na ito ng anak niya.

Alam nyang kakayanin din daw ni Kiko na magpa-sexy. Willing nga si Gary na mag guest sa pelikulang iyun kung may babagay

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results