Dingdong Dantes, nagpahayag ng suporta kay Kris Aquino

GORGY RULA: Isa si Dingdong Dantes sa nagpahayag ng suporta kay Kris Aquino sa isyu nito kay Mocha Uson.

Nag-post ang Kapuso Primetime King sa kanyang Instagram account ng kuha nila ni Marian Rivera kay Kris noong 2014, na may caption na, "We love you ninang @krisaquino."

We love you Ninang! @krisaquino (�??� from 2014 right before our wedding)

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes) on

Sabi ni Dingdong, naintindihan daw nya ang nararamdaman ni Kris lalo na't ang namayapa niyang magulang ang nadadamay.

"Siyempre, alam ko naman yung pinagdadaanan niya.

"Para sa akin klaro naman kung ano ang tama at mali para sa ating values.

"Kaya, siyempre, pinakita ko naman sa kanya na naintindihan ko siya.

"Hindi madali yung pinagdadaanan niya at nandito kami para magpakita ng pagmamahal sa kanya," pahayag ni Dingdong sa PPL Entertainment-sponsored na block screening ng Sid & Aya, na ginanap sa Vertis North cinema

Ayaw na ng aktor na magkomento sa ginawa at mga pahayag ni Mocha.

Basta nagpahayag lang daw siya ng suporta sa kanilang ninang sa kasal. Nagkaka-text naman daw sila ni Kris.

JERRY OLEA: Nag-victory party ang pelikulang Sid & Aya ng Viva Films.

Tweet ni Mario Dumaual, naka-P100M ang movie nina Dingdong Dantes & Anne Curtis.

Bawing-bawi ang Viva Films matapos sumemplang ang Squad Goals.

Ang susunod ng handog ng Viva Films eh suspense-thriller na bida si Ella Cruz, na katambal ni Julian Trono sa Squad Goals at Fangirl Fanboy.

Mas excited kami sa Viva movie ni Sarah Geronimo na Miss Granny.

Siyempre, excited din tayo kung matutuloy ang pagsasama nina Vice Ganda at Dingdong sa MMFF 2018 aspiring entry na sabi-sabi, e, The Greatest Showman ang peg.

Si Anne, mayroong movie with Brandon Vera, ang Buy Bust, sa direksyon ni Erik Matt.

NOEL FERRER : Kung si Kris Aquino, categorically ay nagbigay ng mensaheng, “Hindi ho ako puwedeng tumakbo sa Senado sa susunod na eleksyon.

"May stipulation sa kontrata ko na bawal sa akin na makihalo sa pulitka.

"I also cannot afford na magbalik ng pera.”

"But more than that, sabi ng mga kapatid ko, hindi pa rin panahon para sumabak ako sa politika dahil hindi pa rin ako simple.

"If ever, kung papasukin ko man yan, tatanggapin ko na hindi ako ang magiging center of attention because there are 23 other senators whom I will share the stage with,” sabi ni Kris, na handa rin sa kanyang plataporma kung sakaling dumating man iyon.

Pero si Dingdong, malakas ang ugong na tatakbo siya bilang Congressman sa isang distrito sa Quezon City, kung hindi man maging partylist representative.

Pero let us not discount the fact that he can be a good senator too someday.

But as of now, let Dingdong enjoy the good box office returns of his new movie Sid And Aya (Not A Love Story), which people say is Direk Irene Villamor’s best.

Congratulations Team SID & AYA!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN