Veteran actresses, magdedemandahan dahil sa alahas?

JERRY OLEA: Nagbanta ang premyadong aktres na si Elizabeth Oropesa na idedemanda niya ang dating artistang si Azenith Briones.


Himutok ni La Oropesa sa Facebook nitong Hunyo 9, Sabado ng hapon, “Mayroon pong ipinakalat na video si Azenith Briones.

“May malisya dahil pinalalabas niyang magnanakaw ako.

“Hindi po yan totoo dahil sarili ko pong alahas ang kinuha ko na ipinabebenta ko sa kanya. Walang iba.

“Sinabi ko sa kanya na hindi ko siya sisingilin. Wala akong hininging pera.

“May mga testigo ako. Idedemanda ko siya.

“Masyado siyang mapanira ng tao. Nag-apologize pa ako. Sinabi ko, na dala lang ng galit ko...”

Nag-PM (Private Message) kami kay La Oropesa at inusisa kung ano bang alahas iyon, at kung kailan niya ito binawi.

Tugon ng beteranang aktres, “Bvlgari worth P6M. Akin yun na ipinabebenta ko sa kanya kasi alahera siya.

“Nagalit ako, kasi andami niyang sinasabing masama tungkol sa mga kaibigan niya at tungkol sa akin.

“Nakakahiya namang mag-away kami sa ibang lugar. Nasa GenSan kami. Last April iyan.

“Guest speaker ako. Siya, wala lang. Nagtitinda ng alahas.

“Kinuha ko yung alahas ko nang walang paalam.

“Pero sinabi ko kaagad sa kanya na HINDI MO AKO KAILANGANG BAYARAN, AZENITH. ANG IMPORTANTE AY ANG FRIENDSHIP NATIN.

“Marami akong testigo. Sinadya ko yun.

“Ang purpose ko, para magkaroon siya ng utang na loob at tumigil na sa katsitsismis tungkol sa akin.

“Siyempre, nakita sa CCTV. Okay lang naman sa akin yun dahil yun ang patunay na alahas ko lang ang kinuha ko!

“At nag-apologize na ako sa kanya. Sabi ko, dala lang ng galit ko.

“Aba! E, ewan ko kung anong pumasok sa ulo niya at biglang inilabas ang video at I STOLE daw from her!

“Siyempre, nagtanong ako sa abogado ko. Puwede ko raw talagang idemanda dahil walang palitan ng perang involved.

“At AKIN YUNG KINUHA KO!

“Matagal na niya iyang ipinagkakalat. Wala sigurong pumansin kaya ipinost.”

NOEL FERRER: Kailan naganap yang insidenteng yan?

Kasi kung hindi maliwanag ang konteksto ng balitang ito, magmumukhang, 'Heto ang dalawang senior actresses wanting to be relevant.'

I’m sure hindi ikatutuwa ng dalawa yan! Ano kaya ang motibo ng pagsisiwalat na ito?

Ang sagot ng mga millennials: kebs!

April sa GenSan ang “bawian” ng alahas.

Recent ang video post ni Azenith na ikinaimbyerna ni Oropesa.

GORGY RULA: Susubukan muna nating hingan ng pahayag si Azenith kaugnay sa hanash na ito ni Elizabeth.

Kung may malisya man ang paglabas ng video na iyun, pananagutan niya yan.

Para sa parehas na pag-ulat, bukas ang PEP Alerts para sa sagot ni Azenith sa mga ipinost at mga sinasabi ni La Oro.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN