Young hunk actor, mahilig mag-compare notes?

by PEP Troika
Jun 10, 2018

GORGY RULA: Nagulat ang ilang staff ng isang weekly musical show ng isang TV network nang nakita nila si young actor na nagbida sa isang soap na galit na galit na lumabas ng CR.

Irita raw si young actor na sinabi sa isang staff na tipong ganito ang dialogue niya: “Kung di ko lang kaibigan yan, inupakan ko na yan!”

Ang tinutukoy ni young actor ay ang kaibigang young hunk actor na nakasabay niya sa CR ng studio.

Kampante si young actor na umihi sa urinal katabi itong si young hunk actor.

Habang umiihi sila, nagtsitsikahan silang dalawa.

Huli na lang namalayan ni young actor na habang nagtsitsikahan sila, sa hawak niya pala nakatingin si young hunk actor.

Kaibigan niya ito at parang nakararamdam siya ng awkwardness nang nahuli niyang nakatitig si young hunk actor sa hawak na ''junjun'' niya.

Kaagad siyang lumabas ng CR na irita at iyun na nga ang nasabi niya sa isang staff.

Continue reading below ↓

Hindi niya alam kung pini-playtime lang siya ni young hunk actor, pero parang iba raw kasi ang pagkatitig habang umiihi siya.

Naikuwento rin niya pala sa ilang kaibigang young actors at naikuwento ng isa pang young actor na halos kaedad nila na ginawa rin daw ito sa kanya.

Kaya nagdududa raw talaga sila na baka nga bading itong si young hunk actor.

Dito masusubukan kung makikipagkaibigan pa rin ba sila kay young hunk actor kung totoong bading nga ito.

Napapag-usapan na kasi siya sa grupo ng mga young actors at parang naasiwa na silang makasabay ito sa CR at baka sisilipan na naman sila.

JERRY OLEA: Sumilip lang, malansa na agad?!

Baka hilig lang ni young hunk actor na mag-compare notes?

Sightseeing lang naman at walang Touchstone Pictures, kaya hindi ito dapat big deal.

Maliit na bagay. Do not make a mountain out of a molehill, ikanga.

Ang Vienna sausage, huwag mong gawing jumbo hotdog.

Continue reading below ↓

Ang saging na señorita, huwag mong gawing Cavendish banana.

NOEL FERRER: Mukhang naaaliw ang matipunong star sa paninilip sa mga macho actors, ha?

Sana’y hindi lang ang kanilang pangangatawan ang tuluran at hangaan niya sa kanila, kundi ang pag-arte rin!

Pero teka ha, if he is indeed one of us... well, well, well, welcome to the family!!!

Read Next
Read More Stories About
blind item
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results