Kahit holiday, tuloy ang trabaho para sa Walwal at Sa Pagitan ng Dito at Doon

NOEL FERRER: Kahit holiday ngayon, tuloy ang trabaho para sa dalawang significant films na magla-last day ng shooting ngayon.

Una na rito ang Walwal na kinatatampukan nina Elmo Magalona, Kiko Estrada, Donny Pangilinan at Jerome Ponce directed by Joey Reyes.

Magkabakas na ang Regal Films at Star Cinema rito kaya pinagaganda nang husto ang pelikulang tungkol sa mga millennials at kung ano ang mga gawin at pagpapahalaga nito sa mga relasyon at galaw ng lipunan ngayon. From Bagets to Pare Ko to Walwal, exciting maintindihan ang saloobin ng mga kabataan lagi.

Ang ikalawang pelikulang matatapos ng principal photography ngayon ay ang Cinemalaya entry ni Direk Perci Intalan na Sa Pagitan ng Dito At Doon.



Sa Syquia Apartments sa MH del Pilar ang kanilang last shooting day ngayon, at heto ang na-post na reflection ni Perci sa dinaanan niya sa paggawa ng bago niyang pelikula.

First time I read this script of @keavysoria, I immediately fell in love with it. Developed in @junrobleslana's #CinePanulat, it is a simple family drama about love and forgiveness that reminded me of one of my all time favorite films, Direk Maryo J de los Reyes' Saan Darating Ang Umaga? At the time, I hoped it was going to be produced but didnt know how or who would direct it. I just believed in it so much. When the opportunity came to join Cinemalaya and Jun convinced me to give it a go, I actually thought Keavy would be the one to direct this. It was an honor that she trusted me with her script. In a span of 8 months, everything slowly fell into place. And now, with an amazing cast led by @missizacalzado, @theresemalvar and Nonie Buencamino, and with a wonderful team led by cinematographer @mackiegalvez and line producer Angie Castrence, we are on our last day of filming. Indeed, all of these are a long series of blessings. I can't wait to go into post production and see this story on the big screen. SA PAGITAN NG DITO AT DOON this August in #Cinemalaya2018!

A post shared by Perci Intalan (@percinotpercy) on

“First time I read this script of Keavy Eunice E. Vicente, I immediately fell in love with it. Developed in Jun Robles Lana's #CinePanulat, it is a simple family drama about love and forgiveness that reminded me of one of my all time favorite films, Direk Maryo J de los Reyes' Saan Darating Ang Umaga?

"At the time, I hoped it was going to be produced but didnt know how or who would direct it. I just believed in it so much. When the opportunity came to join Cinemalaya and Jun convinced me to give it a go, I actually thought Keavy would be the one to direct this. It was an honor that she trusted me with her script.

"In a span of 8 months, everything slowly fell into place. And now, with an amazing cast led by Iza Calzado, Teri Malvar and Nonie Buencamino, and with a wonderful team led by cinematographer Mackie Galvez and line producer Angie Cantero Castrence, we are on our last day of filming. Indeed, all of these are a long series of blessings. I can't wait to go into post production and see this story on the big screen. SA PAGITAN NG DITO AT DOON this August in #Cinemalaya2018!”

Sa grasya na dala ng di nila inalintanang buhos ng ulan, sana’y anihin ng dalawng pelikulang ito ang ibayong tagumpay!

GORGY RULA: Sana nga magaganda ang mapanood natin sa ngayong taong Cinemalaya.

Nakaka-disappoint yung nakaraang taon eh. Yung Respeto lang ni direk Treb Montreras II ang masasabi kong maganda at may katuturan. Mas nagmarka sa akin yung ilang pelikulang di na-handle nang maayos na direktor kahit maganda sana ang script. Sayang.

JERRY OLEA: Dalawang linggo na ang pag-ariba sa takilya ng pelikulang Sid & Aya (Not A Love Story) nina Dingdong Dantes and Anne Curtis.

Kung DOMESTIC grosses ang pag-uusapan, ito na nga ba ang highest-grossing Pinoy film ng 2018 so far?

Sang-ayon ba roon ang fans ng JaDine?

Pinanood namin ang Hollywood films na Solo: A Star Wars Story at Jurassic World: Fallen Kingdom.

Bahagya lang namin na-enjoy ang mga iyon.

Mas naaliw kami sa Sid & Aya.

Bukas (Hunyo 13) ay palabas na sa lupang hinirang ang Ocean’s 8 at Incredibles 2.

Inaasahang parehong aarangkada ang mga ito sa takilya.

Hopefully, hindi maapektuhan ng mga ito ang showing ng Walwal sa Hunyo 27.

Dating Kapamilya si Kiko Estrada at may isyu ang pag-alis niya roon, kaya understandable na hindi siya makapag-promote ng Walwal sa ABS-CBN kahit co-producer na ng movie ang Star Cinema. (Ang eksena ni Kiko na “walang salawal” ay sa pelikulang My Stepmother’s Lover, hindi sa Walwal.)

Nag-promote naman sina Kiko at Devon Seron nitong Hunyo 12, Martes nang umaga sa Unang Hirit ng GMA-7.

Sa Agosto pa ang Cinemalaya kung saan ipapalabas ang Sa Pagitan ng Dito at Doon.

May captive market na iyon, at ang Cinemalaya pa rin ang indie filmfest sa bansa na pinakatinatangkilik ng local audience.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN