Dingdong Dantes, patok ang mga pelikula sa labas ng GMA Network

by PEP Troika
Jun 13, 2018

JERRY OLEA: “Bagyo Sa Takilya!”

Ayon sa Viva Films, naka-P140M na ang pelikulang Sid & Aya sa loob ng 14 araw na pagpapalabas sa local cinemas.


Hanash nila sa blockbuster movie nina Dingdong Dantes at Anne Curtis, “Umuulan pa rin ng kirot! Bumabaha pa rin ng luha!”

Continue reading below ↓

Naganap na!

As expected, nitong Hunyo 12, Martes ay umabot na sa $2 billion ang worldwide gross ng Avengers: Infinity War.


Ito ang ikaapat na pelikulang lumampas sa $2B ang hinamig sa buong mundo.

Ang tatlong iba pang pelikula sa $2B Club ay Avatar ($2.79B), Titanic ($2.19B), at Star Wars: The Force Awakens ($2.07B).

Continue reading below ↓

Palabas na ngayon sa local cinemas ang Ocean’s 8 (na nanguna sa takilya ng North America last weekend).

Bukas pa pala ang opening sa local cinemas ng animated movie na Incredibles 2 (na bonggabella ang word of mouth).

NOEL FERRER: Nakakalungkot lang na walang bagong Filipino film na palabas ngayon.

Umurong lahat sa katapat na Incredibles 2 at Ocean’s 8.

Sana nga totoo ang box-office gross ng Sid & Aya at sana marami pang kumitang Filipino film pagkatapos nito—despite the bagyo!

GORGY RULA: Kaya naging usap-usapan bakit wala pa ring ginagawa ang GMA Films para kay Dingdong.

Maganda ang box-office results ng mga nagawa niya sa Star Cinema, at ngayon naman sa Viva. Bakit nga ba wala pa sa home studio niya mismo?

Ang latest nga, di ba, mayroon pa siyang gagawin sa Star Cinema. Eto na kaya ang kay Vice Ganda intended for MMFF 2018

Wala pa raw masasabi ang Kapuso Primetime King kung ano ang susunod na pelikulang gagawin niya.

Continue reading below ↓

Magpu-focus muna ngayon si Dingdong sa bagong programa niya sa GMA-7, ang Amazing Earth, na magsisimula na sa June 17.

Read Next
Read More Stories About
pep troika, sid & aya
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results