Yumaong talent manager na si Douglas Quijano, naniwalang sisikat si Daniel Padilla

by PEP Troika
Jun 13, 2018

JERRY OLEA: Siyam na taon na ang lumipas mula nang pumanaw ang talent manager na si Douglas Quijano, mas kilala bilang Tito Dougs.


Nasa showbiz radar pa rin ang mga alaga niya noong sina Richard Gomez, Lucy Torres, Joey Marquez, Jomari Yllana, Wendell Ramos, Janice de Belen, Gelli de Belen, at iba pa, bagamat iba-iba na ang nagma-manage sa kanilang career.

Continue reading below ↓


Hunyo 13, 2009 nang bawian ng buhay si Tito Dougs sa ipinatayo niyang bahay sa hometown kong Lucban, Quezon.

Disyembre 2008 bago mag-Pasko nang ipa-bless niya ang bahay na iyon.

Hindi namin alam kung ano na ang nangyari roon.

Kahit may bahay si Tito Dougs sa Baguio City, nahalina siya sa klima ng Lucban.

Continue reading below ↓

Nasa paanan ng Bundok Banahaw ang bayan. Sariwa ang hangin kaya nanibago noong una si Tito Dougs.

Sagana roon sa tubig. Kahit tag-init, malamig at maulan—masarap matulog, kahit walang aircon.

Hindi bumabaha roon dahil mataas ang lugar. Malayo sa dagat.

Nobyembre 2006 nang ihatid ako ni Tito Dougs sa Lucban dahil pumanaw ang aking ama.

Sa libing, sinabi ko kay Tito Dougs na maraming matatanda sa Lucban na malalakas pa, at nakakapaglakad nang maayos.

Mula noon, halos every weekend ay nasa Lucban siya, sa Batis Aramin resort na katapat ng Kamay ni Hesus grotto.

Dumami ang mga kaibigan niya roon.

Nang iburol si Tito Dougs sa Heritage Park, may Lucban delegation na sumugod at nakipaglamay.

Noong umaga na ike-cremate ang mga labi ni Tito Dougs sa Heritage Park, nakatsika ko roon si Karla Estrada na kasama ang bagets na si Daniel Padilla.


Continue reading below ↓

Sabi ni Karla, si Daniel ang latest na alaga ni Tito Dougs.

Naniwala si Tito Dougs na sisikat si Daniel sa ABS-CBN.

NOEL FERRER: Totoo ba yung balita, Tito Jerry, na inilapit din muna si Daniel Padilla sa GMA-7 bago napunta sa ABS-CBN?

Sabagay, ganun din naman ang nangyari kay Coco Martin noon na personal din naming inilapit ni Joey Abacan sa mga boss noon, pero iba nga ang naging kapalaran.

Anyway, Tito Douglas was a voice of wisdom and truth. Diretso siya, masaya at magaan.

I dealt with him because of his talents and two of them became my closest friends in the industry—ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez.

He was closely monitoring Shall We Dance on ABC-5 (pa noon) and he would never forget showing the positive side of things—including gains in viewership and ratings—lalo pa noong nagsisimula pa ang Singko.

Continue reading below ↓

He would not miss greeting you on special occasions and more than that, he champions the underdogs!

Inspirasyon ko siya doon—sa mga worthwhile (pero unpopular) causes and really talented people.

We miss Tito Douglas.

Lagi na lang sinasabi ni Tito Gorgy sa akin, na kapag pumanaw daw siya, he would like to go the Tito Dougs way.

GORGY RULA: Hanggang ngayon ay nami-miss pa rin namin si Tito Dougs.

Kapag may event ang Bench, siya ang nami-miss namin dahil mga kagrupo niyang reporters ang iniimbita pa rin ng PR staff ni Mr. Ben Chan.

Pagdating sa entertainment press, ang listahan pa rin na nabigay sa kanila ni Tito Dougs ang sinusunod.

Kamakailan lang ay nag-emote si Manay Lolit na bukod kay Kuya Rudy Fernandez, si Tito Dougs pa rin ang nami-miss niya.

"Si Douglas kasi parang si Daboy din daw na walang respeto sa telepono.

"Araw-araw tumatawag sa akin na wala namang wawa ang pinag-uusapan. Kaya madalas pinagtataguan ko na sila.

Continue reading below ↓

"Ngayon, nami-miss ko tuloy ang tawag nila sa akin araw-araw," sabi ni Manay Lolit.

Ang isa pang na-miss namin kay Tito Dougs, yung kinukunsinti niya ang love life ng mga bading.

Suportado niya pag nababaliw-baliw kami sa lalaking love namin.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results