Ahron Villena, nakatikim ng anim na sampal mula kay Kakai Bautista

by PEP Troika
Jun 13, 2018

JERRY OLEA: Wander Bra ang title ng fantasy movie nina Kakai Bautista at Myrtle Sarrosa — hindi Wonder Bra.

Para ilihis kay Wonder Woman?

“Para mas Pinoy sana,” sabi ni Direk Joven Tan.


Malayo sa istorya nina Wonder Woman at Darna itong Wander Bra na isang fantasy comedy, mula sa Blue Rock Production.

Continue reading below ↓

Sa kuwento, nagretiro ang wonderful heroine na si Wander Bra (Gina Pareño).

Isinalin ng super-lola ang kanyang marvelous powers sa nakasalubong niyang dalaga, si Barbara (Kakai Bautista).

Nagta-transform si Barbara into Wander Bra (Myrtle Sarrosa).


‘Tsura ni Ada (Rustom Padilla) na nag-metamorphose into Zsa Zsa Zaturnnah (Zsa Zsa Padilla) sa Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh (2006)?!

Continue reading below ↓

Hindi alam ni Barbara/Wander Bra kung paano gamitin ang powers kaya wacky-wacky-han ang kanyang misadventures.

Ang sisindak kay Wander Bra ay ang hitad na si Black Bra (Wacky Kiray).

Ang leading man dito ay si Zeus Collins ng Hashtags.

Nasa cast din sina Kiray Celis, Gardo Versoza, Lassy Marquez, at Brian Gazmen.

Kasali sa movie ang papalicious na si Ahron Villena, pero cameo lang ito.

Kaya hindi mape-preempt ng Wander Bra ang pelikulang Harry & Patty kung saan may “passionate romantic kiss” sina Ahron & Kakai.


Continue reading below ↓

Kuwento ni Direk Julius Ruslin Alfonso (direktor ng Harry & Patty) nitong Hunyo 13, Miyerkules, “It was fun, actually a blast working with Kakai and Ahron.

“They come prepared every shoot. Very evident yung built-in chemistry nilang dalawa.

“Di mo ma-imagine na they had this ‘rift’ before. Although I had to channel from this ‘hidwaan’ nung shinoot na namin yung major confrontation scene.

“Dalawang malalakas na sampal ni Kai kay Ahron. Three angles so that means anim na sampal ang inabot ni Ahron.

“They were very professional about it. Give and take. Push and pull.

“More than the kissing scene, ito dapat ang pagkakaabangan sa movie.”

NOEL FERRER: Buti naman naayos nila ang anumang namagitan sa kanila.

Nagamit pa nila yun sa ikagaganda ng pelikula nila.

Bakit kaya madalas nag-uuulan at nagkukulog at nagkikidlat ngayon?

Ah, rainy season na pala! Ingat sa lahat!

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results