Graduation ni Vice Governor Jolo Revilla, di pinuntahan ni Jodi Sta. Maria

by PEP Troika
Jun 13, 2018

GORGY RULA: Proud si Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa bago niyang achievement.

Finally ay naka-graduate na siya sa kursong Bachelor of Arts Major in Legal Studies sa Lyceum of the Philippines.


Ito’y sa ilalim ng programang Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation (ETEEA) kung saan karamihan ng nag-aaral dito ay public servants.

Continue reading below ↓

Ginanap ang Commencement Exercises sa PICC ngayong Miyerkules ng umaga, June 13.

Dinaluhan ito ng kanyang ina na si Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla at kapatid na si Gianna Revilla.


Sabi ni Lani, “It’s combining work and studies at the same time.

“Mahalaga ito talaga, e, at least you have a fallback position, and meron kang ipagmamalaking… that you are a leader.

Continue reading below ↓

"In order to lead, you have to show your constituents that you are an example in fulfilling and finishing your studies.”

Gusto lang daw talaga ni Jolo na may diploma siyang maipagmamalaki sa kanyang anak na si Gab. Mahirap na raw at baka maunahan pa siyang mag-graduate ng anak.

Kailangan naman daw talaga ito ni Jolo bilang dagdag na armas sa responsibilidad niya bilang vice governor ng Cavite.

“Malaking bagay ito, e. Talagang inaarmasan namin ang sarili namin para sa mga ginagawa namin sa paggawa ng mga ordinances and resolutions.

“Mabuti na ring preparado ka sa bawat pagsubok na dumarating sa iyong buhay.

"Pero hindi naman ibig sabihin na tatakbo ka for higher office," pahayag ni Jolo.

Sa September ay lilipad patungong Amerika si Jolo para mag-aral ng short course ng Leadership on 21st Century sa Kennedy School of Government sa Harvard University.

NOEL FERRER: Uy, mahalaga talaga ang edukasyon at bilib ako sa mga taong kahit may iba nang pinagkakaabalahan ay nakukuha pa ring magtapos ng pag-aaral.

Continue reading below ↓

Na-miss ko lang si Jodi Sta. Maria sa mahalagang event na ito sa buhay ng kasintahang si Jolo.

Baka naman kaya may work or ibang dahilan.

Basta, dapat i-celebrate talaga ang ganitong mga achievements.

JERRY OLEA: Congrats kay Jolo!

May movie na, may diploma pa!

Naku, huwag nang gawing isyu na waley si Jodi sa graduation ni Cavite vice governor!

Sa dami ng pagsubok na pinagdaanan nila, inaasam natin na sa simbahan din ang kanilang tuloy!

Best wishes!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results