Ara Mina, paano sasagutin ang mga akusasyon ni Rina Navarro?

by PEP Troika
Jun 13, 2018

NOEL FERRER: Iba talaga ang epekto ng social media.

Naging arena na rin siya ng pag-aaway at pasaringan kahit ng magkakarelasyon.

Katulad na lamang ni Rina Navarro, member ng Cinema Evaluation Board at film producer, at ng ng fiancé nitong si DTI Undersecretary Dave Almarinez.


Kesehodang may anak na ang magkasintahan, balita nami’y di na matutuloy ang kasal dahil sa isang isyung umeskandalo sa kanilang pagsasama.

Continue reading below ↓

Paano kaya ito sasagutin ng aktres na si Ara Mina na iniuugnay kay Undersecretary Almarinez?

Ano nga kaya ang explanation ni Ara sa diumano'y pagti-text nila ni Usec?


At ano kaya ang sagot ni Usec sa challenge ng kanyang kasintahan na si Rina na magsabi ng totoo sa mga tao?

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Tila inuunti-unti na sila ni Rina, ah!

Last week ay tila pasaring naman kay Ara ang ipinost ni Rina. Ngayon naman ay deretso na sa kanyang partner.

Ang susunod kayang ilalabas niya ay ang video ng confrontation nila ni Ara?

Di ba, may balak ang aktres sa 2019 elections?

Continue reading below ↓

Itutuloy pa kaya niya, lalo na't posibleng gamitin ito ng mga makakalaban niya.

Kahit nananahimik si Ara, hahaba pa ito dahil patuloy pa ring magpaparamdam si Rina.

Tiyak na may kasunod pa iyan.

JERRY OLEA: Ay! Ay! Ay! Nakakaaray ang pag-iibigang may away!

Parang kailan lang na binubuyo natin si Ara na ituloy ang Oplan: Kapatid sa tulong ni Mayor Patrick Meneses na ama ng kanyang panganay!

Ngayon ay heto ang eskandalo... umiinit, umaalab, at tila ayaw magpaawat!

Abangan natin ang mga susunod na kabanata, kung meron bang luluha at maglulupasay sa lupa!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results