James Reid, may pa-abs bilang bagong Pedro Penduko

by PEP Troika
Jun 15, 2018

JERRY OLEA: Ang pelikulang Pedro Penduko: The Legend Begins ni James Reid ang flag bearer ng Epik Universe.

Handog ito ng Epik Studios (pinagsamang puwersa ng Cignal at Viva), na inilunsad nitong Hunyo 14, Huwebes ng gabi, sa Cignal Experience Center, Reliance St., Mandaluyong City.


Sa Agosto mag-uumpisa ang shooting ng Pedro Penduko, at ang target playdate nito ay Black Saturday 2019.

Continue reading below ↓

PHP100M ang production budget nito.

Ii-introduce sa pelikulang ito ang karakter ni Maria Makiling, na gagampanan ni Nadine Lustre.

Lahad ng direktor ng pelikula na si Treb Monteras (nagdirek ng Respeto), “Right now, we’re casting pa lang.

"Si James pa lang talaga yung naka-attach sa project."

Ang istorya nito ay base sa graphic novel of the same title, at kasali sa pelikula sina Apo Dautan (patriarch ng mga kapre), Babaylan, at Maria Makiling.

“May mga karakter kami na dine-develop pa, specifically for this launching ng Pedro Penduko,” sabi pa ni Direk Treb.


Continue reading below ↓

Ibang-iba ang Pedro Penduko ni James sa naunang versions nito sa pelikula at telebisyon.

Pero siyempre, may pa-abs si James!

Pahayag ni Vincent del Rosario ng Viva, mahigit 50 karakter na iba-iba ang bubuo sa Epik Universe o Engkantos — sa pangunguna nina Pedro Penduko, Maria Makiling, Bernardo Carpio, at Republika.

Multi-platform ang Epik Universe. Kabilang sa mediums nito ang pelikula, TV at graphic novels.

“Kasama rin sa mandate ng Epik, i-revive yung mga classic ng Viva, gawing makabago,” dagdag ni Vincent.

“Kaya nandoon yung Bad Boy ni Robin [Padilla], gagawing modern.”

NOEL FERRER: Excited ako sa Pedro Penduko na ito ni James Reid kasi last year pa lang ay major hit na ito nang i-launch ang libro nito sa Book Fair.


Continue reading below ↓

Maganda rin ang move na ang nga literary figures ang ginagawan ng pelikula - bilang pagpapalawak ng impluwensiya ng literatura sa pelikula.

At sa pagdidirehe ng mga batang direktor, nabibigyan ng fresh na visualization at interpretasyon ang mga kuwentong mahalaga sa ating kultura bilang Pilipino!

GORGY RULA: Magaling na direktor naman si Direk Treb. Kaya magagawa niyang bumagay ang Amboy na Amboy at Ingliserong si James sa role na Pedro Penduko.

Ramdam ko ring mas mauuna pa ito sa Darna ni Liza Soberano.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results