Ex Battalion, tinuligsa dahil ginawa raw gold digger ang mga kababaihan sa kantang Hayaan Mo Sila

by PEP Troika
Jun 15, 2018

JERRY OLEA: Mahigit 55 million na ang views sa YouTube ng official music video ng kantang "Hayaan Mo Sila" ng Ex Batallion.

Sapul na sapul nito ang puso at diwa ng mga millennial.


Pero ang premyadong manunulat na aming katukayo, si Jerry B. Gracio (na sakdal landi ang mga hinaing sa pag-irog, at ang mga tula ay matalas ang pagbulabog)... tinuligsa ang ExB.

Continue reading below ↓


Post ni tukayo nitong Hunyo 15, Biyernes ng gabi sa FB:

“Sabi ko naman sa ‘yo,/ Lahat ‘yan magloloko/ Pagkatapos kang pakinabangan,/ Biglang lalayo…/ Kasi karamihan kasi now kung makuha madali/ Madali lang magpakamot pag may nangati…

“Ex Batallion’s misogynist, anti-woman crap.

“Tantanan n’yo na ang pakikinig sa mga ito, sanrekwang kalalakihan... na ang mga liriko ay laban sa kababaihan.

Continue reading below ↓

“Ewwww!”

Umangal si tukayo sa misogynist na hanash ng ExB, na tila balewala sa kanilang mga tagasubaybay at tagahanga.

“Ginagawa nilang parang gold digger ang lahat ng mga babae!” pagdidiin ni tukayo nang tsikahin namin sa Messenger.

Inaasam ni tukayo na sa mga susunod na awit ng ExB ay mapawi ang pagbalasubas nila sa mga babae.

Kung hindi, tila may sumpa si tukayo na hindi magtatagal at masasadlak sila sa lipon ng mga laos.

Si Jerry B. Gracio ang lumikha ng kuwento ng pelikulang Balangiga: Howling Wilderness, na kapapanalo pa lamang bilang best picture sa FAMAS noong Linggo (Hunyo 10) at sa Gawad Urian nitong Huwebes (Hunyo 14).

GORGY RULA: Madalas na sinasabi, “you cannot argue with success.”

Sumikat ang kanta. Sumikat ang grupong kumanta nito. Lalong dumami ang mga fans na karamihan mga bata pa.

Interpretasyon iyun ng isang taong hindi naman lehitimong babae.

Bahala na ang mga tao kung mag-agree sila rito.

Continue reading below ↓

Ang sa akin lang, ang daming isyung dapat pagtuunan ng pansin.

May mga kababaihan pa diyan na naha-harass, naaapi na tikom ang bibig at walang lakas para magsalita at magreklamo.

Iyon ang ating pansinin at tulungan. Huwag na munang pagdiskitahan ang isang kanta.

Baka mamaya, mapansin pa yan ng ibang grupo. Gabriela kaya?

Baka mamaya, marami pa ang sumakay sa hanash na iyan ni Jerry Gracio.

Magsulat na lang siya ng marami pang matitinong script.

NOEL FERRER: Marahil hindi aware ang ang Ex Batallion sa aspetong ito ng kanilang creation.

Dahil nga popular sila, magandang malaman na may responsibilidad silang magsulong ng mas mabuting pagtingin sa tao at mas progresibong kaayusan ng mundo.

Sana’y matuto sila sa mga puna ng mga may kaalaman sa literatura at kultura upang mas maging kapaki-pakinabang ang kanilang mga kanta, at hindi pang entertainment lang.

Kasi diyan nasusukat ang tunay na artist kaiba sa mga performers lang.

Continue reading below ↓

Kung gusto ng ExB na seryosohin sila, magandang lumawak pa ang kanilang kaalaman at prinsipyo beyond entertaining their public.

Marahil, magagabayan pa sila mismo ng kapatid na Aiai delas Alas!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results