Elizabeth Oropesa at Azenith Briones, nagkabati na; Elizabeth, inamin ang pagkakamali

GORGY RULA: Tinuldukan na ng magkaibigang Elizabeth Oropesa at Azenith Briones ang away nilang dalawa dahil sa isyu sa alahas.


Pagkatapos magpa-presscon ni Azenith sa ilang miyembro ng movie press kaninang tanghali, June 15, nagkausap sila ni Elizabeth sa telepono at nagkapaliwanagan.

Inamin ni Elizabeth ang kanyang pagkakamali sa pagkuha ng mga alahas niya sa bag ni Azenith na hindi niya ipinaalam.

Humingi siya ng paumanhin na kaagad namang tinanggap ni Azenith.

Kanina rin sa programang Showbiz Talk Ganern ng DZRH, muling nagkausap ang dalawa sa isang phone-patch interview, at inamin ni Elizabeth na nagkamali siya at nangakong hindi na ito mauulit.

“I really made a mistake. Inamin ko naman yun,” simulang pahayag ni Elizabeth.

Sabi pa niya, “Nag-sorry uli ako kanina sa phone.

“I never had any problems with regards to apologizing because I really made a mistake pagdating dun sa part na yun.

“Dapat kasi hinarap ko na lang siya, kinausap ko na lang siya nang hindi ko na kinukuha yung alahas ko.

"E, talaga namang napikon-pikon lang ako dun. E, talagang mali ako dun."

Mababa na ang boses ni Azenith nang narinig ang mga pahayag ni Elizabeth.

Saad niya, “Ito siguro ang tamang timing na mag-usap kami.

“Sa akin, wala na yun. Ang Panginoong Diyos, nagpapatawad, di ba?

“Ang gusto ko lang, maging maayos kami, huwag kaming magpapasulsol kahit kanino.”

Dagdag niya, “Sabi ko nga, dinasal ko ito.

“Siguro ito ang ibinigay ng Panginoon na magkausap kami.

"Idinasal ko sa Panginoon na lahat na sasabihin ko, galing sa Kanya para walang negative, puro positive.

“Salamat sa Panginoon na nagkausap kami kanina.”

Tapos na raw yun. Tinanggal na nilang dalawa ang ipinost nila sa kani-kanilang Facebook account kaugnay sa away nila.

Sabi pa ni Elizabeth, mas marami pang isyung dapat pagtuunan ng pansin.

“Ayoko naman umabot sa demandahan, of course. Ayoko naman ng ganun.

"And from the very beginning, wala akong intensyon na palakihin kasi masyadong maraming problema ang bansa, malalaking tao.

"Sino ba naman kaming dalawa para maging napakalaking isyu ito?

“I’m really sorry. I did not mean to do it.

"But I’ve done it and I’m not gonna do it again. Ang pangit.

“Mas maganda siguro yung dati kong gawi. Hinaharap ko yung tao agad pag may narinig ako. Kausapin ko na lang kesa gumanti ako ng ganun.

"E, gusto ko sana gawin yung style na yun, e, palpak naman pala. Ang daling ayusin, actually.

“Mapagpakumbaba akong tao, hindi ako mapagmalaki,” tugon ni La Oro.

Ang panghuling pahayag ni Azenith, “Sabi ko nga, ang tao, pare-pareho ng karakter. Matitino tayo, mababait tayo.

"Pero tingin ko may ginawa ang demonyo para pag-awayin kami.

“At that time, hindi si Elizabeth Oropesa iyan. Kumbaga sa ano, yung devil nandiyan sa ano niya na parang napadala siya sa demonyo, hindi siya yun.

“Pero ngayon, ang Panginoon nandiyan sa harap namin.

"Eto ang tamang timing na ang Panginoon nandiyan para pag-ayusin kami, at hindi kami napadala sa demonyo para ma-distract kami pare-pareho, di ba?

“Natutuwa naman ako nang humingi siya sa akin ng sorry.

“Masaya ako doon dahil yun naman ang sa Panginoon lahat ito.

“Ito ang proper timing na ang Diyos pa rin nandito. Salamat sa Diyos na nagkaayos kami.”

NOEL FERRER: All’s well that ends well.

Next time, choose your battles!

(Huwag hayaang sirain ng alahas ang buhay at pagkakaibigan.)

JERRY OLEA: Masaya tayo at hindi na nagtagal ang kanilang hidwaan.

Nailabas nila ang kani-kanyang panig. Nagkausap sila.

Nagpaliwanagan. Nagkapatawaran.

Good vibes!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN