Maging leading man kaya si Rayver Cruz sakaling lumipat sa GMA?

NOEL FERRER: Hindi na nagulat ang dating kasamahan ni Rayver Cruz na si Oliver Aquino (dating Mhyco Aquino) nang nabalitang nagpaalam na ang aktor sa Star Magic at Kapamilya network.

#STARMAGICCATALOGUE2018

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz) on

Dati pa raw pinag-iisipan ito ni Rayver, at naisi-share sa grupo nilang Anime.

Pero laging namamayani kay Rayver ang loyalty sa pagiging Kapamilya.

Kuya ang turing ni Oliver at ng ibang Anime members kay Rayver, at nandun sila upang sumuporta sa Kuya nila sa heartbreaks nito sa mga naging girlfriends na sina Sarah Geronimo at Cristine Reyes.

Hindi na raw bumabata si Rayver, at ang gusto nitong mag-ipon na for his future lalo pa’t siya na ang tatayong breadwinner kapag nagpakasal ang panganay nilang si Rodjun Cruz.

Sana maibigay ng GMA-7 kay Rayver ang leading man status na hangad nito.

Nagpapasalamt si Oliver sa suporta ni Rayver nang mapanood nito ang daring reinvention nito sa Kasal na ang balita’y magkakaroon na naman ng bagong premiere in connection sa commercial run nito sa Pride Month ng FDCP Cine Lokal.

Sana rin daw magka-reunion ang kanilang Anime group with Rayver ulit.

Ang tanong: Makakabuti pa rin ba kay Rayver ang pagsayaw-sayaw kung gusto niyang ma-establish ang sarili bilang leading man? Will he take his cue from Dingdong Dantes na tumigil muna sa pagsasayaw at nag-concentrate sa pag-arte?

Sa mga special occasions na lang ito umiindak.

What do you think, ka-Toika?

GORGY RULA: Matagal ko na ngang nasulat iyan na gusto nang maging Kapuso ni Rayver dahil nandun naman kasi ang itinitibok ng puso niya.

Ang pagkakaalam ko, hindi muna itinuloy noon ni Rayver hoping na may magagawa pa sa kanya ang Star Magic, pero waley na nga.

As of now, wala pang sagot sa akin ang ilang GMA executives kung ano ang unang gagawin ni Rayver sa Kapuso network.

Pero itong paglipat ni Rayver sa GMA-7, totoo bang sasabayan naman ito ng alis ni aktor R na nakakasa na raw ang paglipat sa Kapamilya network

Kaabang-abang din yan!

JERRY OLEA: Hindi na bago ang isyu ng pag-oober da bakod.

Kung may umalis man sa isang TV network, meron namang dumarating o bumabalik. Nagri-rigodon minsan. Palipat-lipat, papalit-palit.

The grass is always greener on the other side, ika nga.

Ang puso ni Rayver ay nabihag ng isang Kapuso, si Janine Gutierrez, kaya mas swak ang binata sa GMA-7.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN