PCOO, maling pangalan ang ginamit para sa yumaong Jose "Roilo" Golez

by PEP Troika
Jun 16, 2018

NOEL FERRER: Ang Jose Roilo, naging Rogelio “Roilo” Golez naman, ayon sa press release ng napag-iinitang Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Sabi ng kasama natin na sa panulat na Gems Diva, “Patay na nga, minali niyo pa ang pangalan. Typo na naman po ba ito? Paki-explain. Jose Roilo po ang tunay niyang pangalan. Sino po si Rogelio? Baka yung bodyguard ni Lola Nidora? Miss you na siya?”

Idinadaan na lang ng mga tao sa sarcasm at pagpapatawa. Oo, tao lang, nagkakamali.

Pero kung galing naman daw ito sa opisinang sana’y nagbibigay ng tamang balita at impormasyon na sinusuwelduhan ng taong bayan, paano naman ito?


Continue reading below ↓

Sino ang makakalimot sa grammatical error-ridden na Press ID issued by the Presidential Communications Operations Office (PCOO) at yung sinabi ni ASec Mocha Uson na ang Mayon Volcano ay nasa Naga?

Pati na yung pagre-revise ng world geography (na nira-rationalize ng iba na Latin term) na Norwegia inatead of Norway?

"Honest mistakes, some say, but when it becomes a pattern, then that’s a different story altogether,” sabi ng Adobo Chronicles.

Hindi ba bingo na ang mga namamahala sa opisinang ito?

JERRY OLEA: Nakakagigil dahil ang laki-laki ng budget sa kanila, pero walang humpay ang kanilang kapalpakan.

Kesa maglupasay, pinagkakatuwaan na lang ito maging ng showbiz netizens. Change is coming?

Mema! Sa Latin man o sa kani-kanyang katutubong wika! Kaya ang mga Canadian, mula sa Canadia. Ang mga Peruvian, mula sa Peruvia. Ang mga Brazilian, mula sa Brazilia. Ang mga Ecuadorian, mula sa Ecuadoria. Ang mga Iranian, mula sa Irania. Ang mga Egyptian, mula sa Egyptia. Ang mga Singaporean, mula sa Singaporea. Ang mga Palestinian, mula sa Palestinia. At ang mga German, mula sa La Germania.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Naku! Kung wala diyan ang babaeng kinaiiritahan sa ahensiyang iyan, hindi na iyan mapapansin, e.

Lalo lang kasing dumami ang nainis sa babaeng iyan kaya malaking isyu na itong mga mali-mali sa mga releases nila. Tanggalin na kasi!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results