Aktor, dedma sa utang sa tiyuhin

by PEP Troika
Jun 16, 2018

GORGY RULA: Inaasahang hindi na aabot sa demandahan itong isyu tungkol sa utang ng kilalang aktor sa kanyang tiyuhin.

Ipinarating sa amin ng aming kaibigan ang hinaing nitong tiyuhin ni aktor na nagpautang ng 200 thousand pesos sa kanyang pamangkin dahil kailangan daw ito ng kanyang asawa.

Nagmula ang aktor sa isang talent reality search at lumipat sa katapat na TV network.


Continue reading below ↓

Ang sinabi ni tiyuhin sa pamangkin, hindi raw galing sa kanya ang pera kundi galing sa isang kaibigan na ipinautang dito kay aktor kasama ang kanyang asawa.

Parang ramdam daw niya kasi na kapag malaman ni aktor na galing sa kanya ang pera, baka hindi siya mabayaran.

Nang tinanggap ng mag-asawa ang perang inutang, nag-isyu sila ng tseke bilang kabayaran na hinati-hati monthly para hindi naman mabigat sa kanila ang pagbayad.

Okay naman daw ang unang tsekeng inisyu, pero yung mga sumunod na tseke ay tumalbog na dahil na-close na pala ang account ng mag-asawa.

Tatlong tseke na ang ipinasok at tumalbog ito lahat.

Kaya nagpa-follow up na ngayon si tiyuhin ng kapalit sa tumalbog na tseke.

Isang tseke nung April at dalawang tseke nung May ang tumalbog, at hinihingi na ngayon ni tiyuhin ang kapalit na kung puwede in cash na raw.

Pangako keti pangako lang daw ang mag-asawa at ang madalas na nakaka-text at kausap ni tiyuhin ay ang asawa ni aktor.

Continue reading below ↓

Nababahala na si tiyuhin dahil hindi na siya gaanong sinasagot ng asawa ni aktor.

Kapag sumasagot naman ay pabalang pa raw. Ito pa raw ngayon ang galit kapag kinukulit siya ng tiyuhin ni aktor.

Meron pang pananakot na sinasabing cyber-bullying na raw ang ginagawa sa kanilang mag-asawa kaya baka mapilitan pa raw silang idemanda itong si tiyuhin.

Hindi maubos-maisip ni tiyuhin kung bakit siya pa ngayon ang irereklamo gayung siya na nga ang naagrabyado.

Siya na nga raw ang hindi nababayaran, at nagpa-follow up lang naman siya ng kapalit sa tumalbog na tseke, siya na ngayon ang nambu-bully?

Ayaw naman daw niyang umabot pa sa demandahan ito.

Sana malaman lang ng mag-asawa, lalo na si aktor, na ang perang pinautang sa kanila ay bahagi ng pinag-ipunan ni tiyuhin mula sa pagiging OFW niya sa ibang bansa.

JERRY OLEA: Nakakasira talaga ng relasyon ang utang.

Nakita natin sa mga magsyota, magkaibigan, at magkamag-anak.

Continue reading below ↓

Nakikilala mo ang tunay na ugali ng isang tao pag pinautang mo siya.

Simple lang naman iyan: ang utang, dapat bayaran.

Ambait ng tiyo. May mga ebidensya siyang tseke, kaya pwedeng kasuhan niya ang kilalang aktor.

Nawa’y harapin ng aktor ang kanyang pagkakautang, at huwag na sana niyang palakihin ang kanyang problema.

NOEL FERRER: Panay basketball sa probinsya ang aktor na bagong lipat para mapunan ang kita niya na nawala from his former network.

Aminin natin, kulang pa rin naman sa premium ang aktor na ito kaya salat pa rin siya sa kita.

Ang payo ko, mag-phonepatch sila ng tito niya sa radio show ni Tito Gorgy nang magkaayos sila. Chos!

Read Next
Read More Stories About
blind item
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results