Senador Tito Sotto, na-Streisand effect sa Pepsi Paloma case

JERRY OLEA: Nag-suicide ang American fashion designer na si Kate Spade nitong nakaraang Hunyo 5, 2018.

Sumunod na nabalitang nagpatiwakal ang American celebrity chef na si Anthony Bourdain noong Hunyo 8.

Lumutang ang conspiracy theory na pinatay si Anthony dahil ibubunyag nito ang “elite pedophiles.”

Meron ding hanash na kesyo ang pagpaslang kay Anthony ay kaugnay sa paglapastangan ng Hollywood mogul na si Harvey Weinstein sa mga kababaihan.

Fake news ang mga ito, ayon sa fact-checking website na Snopes.

Sa local showbiz, may mga haka-haka kaugnay sa pagpapakamatay ng isang young actor ilang taon na ang lumipas.

Kasamang nalibing sa hukay ang “lihim” lalo pa’t hindi tuwirang inamin ng pamilya na nag-suicide ang young actor na nagwagi sa isang reality show.

Sa kasong suicide ng dalawang mestisong young actor, may mga espekulasyon na kesyo ipinabaril sila.

Halos isang taon na ang lumipas, nagbigti ang isang beteranong manunulat sa pelikula at telebisyon dahil sa depression.

Naging adbokasya ng BFF ng manunulat na pag-usapan ang depression, at seryosohin ito.

Ang BFF ay pumanaw early this year.

Na-Streisand Effect si Senador Tito Sotto nang mag-request sa Inquirer.net na tanggalin sa website nito ang tatlong istorya tungkol kay Pepsi Paloma.


Ayon sa Wikipedia, ang Streisand effect ay isang "phenomenon whereby an attempt to hide, remove, or censor a piece of information has the unintended consequence of publicizing the information more widely, usually facilitated by the Internet. It is an example of psychological reactance, wherein once people are aware that some information is being kept from them, their motivation to access and spread it is increased. It is named after American entertainer Barbra Streisand, whose 2003 attempt to suppress photographs of her residence in Malibu, California, inadvertently drew further public attention to it."

Si Pepsi ay bold star na nag-akusa kina Vic Sotto, Joey de Leon at Ritchie D’ Horsie na gumahasa sa kanila ng kapwa starlet na si Guada Guarin sa Sulo Hotel (QC) noong 1982.

Ang sabi noon ni Pepsi, pinuwersa siya ni Tito Sotto na pumirma ng affidavit of desistance kapalit ang public apology nina Vic, Joey at Ritchie.

Nabalitang nag-suicide si Pepsi noong 1985, nguni’t hindi mamatay-matay ang tsikang pinaslang ito.

NOEL FERRER: Kailangang seryosohin ang pagkakaroon ng support group sa ating mga kasamahan sa trabaho lalo na sa usaping suicide.

Hindi ba’t yan din ang nangyari sa anak ng isang premyadong showbiz couple at kapatid ng isang sikat na young actress.

Depression is real. And we should address the roots of this depression.

Hindi kaya ito ang puwedeng pagtuunan din ng pansin ng ating mga networks at guilds—in providing a helpline for those who need this specialized kind of support?

Sana’y huwag na nating hintayin pang may dagdag pang buhay na mawala bago tayo kumilos. Sayang kasi.

GORGY RULA: Pagdating sa issue ng depression, marami pa talaga sa atin ang hindi alam kung paano ito i-handle.

Pati sa mga kabataan sa ngayon, napakahina nila kapag may ganung pinagdadaanan.

Kaya nga sina-suggest ko sana sa mga malalaking TV networks na gumawa sila ng isang drama series na mala-13 Reasons Why.

Mapapanood ito sa Netflix o baka puwede namang i-download niyo na.

Kailangan ng masusi at malawak na pananaliksik sa kalagayan ng ating mga kabataan sa ngayon.

Iba na kasi talaga ang mga millennials kumpara nung kabataan natin.

Ang dami pang mga magulang na hindi nagagabayan nang mabuti at hindi rin alam kung paano i-handle ang kanilang mga anak.

Nagugulat na lang sila dahil nagpatiwakal na lang ang kanilang anak, na ang buong akala nila ay naibigay naman nila lahat ang pangangailangan ng mga ito.

Maganda ang tinatalakay ng programang 13 Reasons Why, dahil sa Amerika ay aware sila sa mga pinagdadaanan ng mga kabataan.

Iba ang buhay nila sa eskuwelahan, at iba ang ipinapakita nila sa loob ng tahanan.

Ganundin dito sa atin.

Kaya nga sabi ko sa ilang TV executives, huwag naman sana nila isipin kung rater ba itong programa.

Ang isipin sana nila ang responsibilidad ng network sa ating mga kabataan at sa mga magulang.

Malaki ang maitutulong ng isang programang mala-13 Reasons Why para magbigay ng gabay sa lahat para sa ating lipunan.

Pagdating naman sa isyu ni Sen. Tito Sotto, nagtataka lang ako bakit itong Pepsi Paloma issue lang ang kaya nilang pantapat sa naturang senador?

Papatulan pa ba nila ito o naghihintay lang ng tamang panahon para sagutin ito lahat nang malinawan ang lahat?

Yun ang aabangan natin!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN