Direk Joey Reyes, binatikos ang kapalpakan ng PCOO

NOEL FERRER: Isang isyu na kailangang pagtuunan ng pansin ay ang pagbabalik ng integridad sa ating lahat.

Gusto kong bigyang-daan ang saloobin ng kaibigan nating direktor at propesor na si Joey Reyes.


Ito ay tungkol sa level of mediocrity ngayon sa ating lipunan.

Taking off from the major blunder sa Presidential Communications Operations Office (PCOO), heto ang sabi ni Direk Joey, “I have always remained politically objective.

“I hate partisanship because it distorts what should be a clear view of what is happening and who is responsible for certain actions and reactions.

“But I cannot contain myself because an office meant to be the bridge of the highest executive of the land with the people having blunders like this is absolutely inexcusable.

“Apologies are in order but admission of error rather than thinly veiled justifications and overwrought clarifications creates discredit to the persons that they represent.

“It is all about CREDIBILITY and COMMAND RESPONSIBILITY.”

“I hope the President puts his foot down and cracks his whip because these people are DISCREDITING him with their seeming carelessness.

“Apologies are welcome but not apologists.”

GORGY RULA: Naniniwala pa rin ako na alam ito lahat ng ating pangulo.

Alam niya ang nagaganap at ang kakayahan ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Mas mahalaga pa rin kasi sa kanya ang loyalty. Pero hindi naman niya ipapahamak ang ating bansa.

Basta patuloy pa rin tayong magmatyag. Makialam! Huwag magpabaya.

Malaki ang nagagawa ng social media para maiparating ito sa kinauukulan.

May araw din silang lahat! Mapupunta rin yan sila sa dapat nilang paglagyan, o ibalik sa kanilang pinanggalingan.

Huwag lang tayong papetiks-petiks!

Maging masigasig lang at mag-ingay kung kinakailangan!

JERRY OLEA: “What are we in power for?”

Iyan ang isinusungalngal sa atin ng mga mediocre at incompetent na pinuno sa ilang sangay ng gobyerno, lalo’t andiyan ang apologists na dyina-justify ang kanilang mga pagkakamali at pagkukulang.

Binu-bully kamo ang POOR PEOPLE WORKING HARD FOR THE GOVERNMENT na nagkamali minsan?

Hello?! Gaano ba kadalas (at kadulas) ang minsan na iyan?

Nasaan ang integridad?

Paliguy-ligoy pa sila sa kung anu-anong kuda, pero hindi mapanindigan ang kanilang kapalpakan!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN