Direk Carlo J. Caparas, pumayag maging assistant director ng anak

by PEP Troika
Jun 18, 2018

GORGY RULA: Sumunod na rin pala sa yapak ni Direk Carlo J. Caparas ang anak nila ni Donna Villa na si Peach Caparas.

Nagdidirek na ito ngayon ng isang pelikula sa Viva Films.


Nakausap namin si Direk Carlo J. sa programa naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH kagabi, June 17.

Continue reading below ↓

Natutuwa siyang ikinuwentong assistant director daw siya ngayon ng anak na si Ysabelle Peach sa pelikulang Chiong Sisters, Rape Murder ng Viva Films.

Saad ni Direk Carlo J., “For the first time, ako yung assistant nung anak ko.

“Pinababayaan ko siya dahil gusto kong makita yung potential niya talaga dahil mahilig.

"Una nag-artista siya, ngayong gusto raw niya magdirek.

“Co-director ko siya sa Angela Markado at Kamandag ng Droga.

"Kinuha naman siya ng Viva ngayon as full-fledged director sa Chiong Sisters Rape Murder, ang kuwento ng magkapatid na Marijoy at Jacquiline Chiong, yung celebrated case sa Cebu na malalaking tao ang involved, e.”

Hindi na raw siya nagtataka kung bakit gusto ring gumawa ng massacre movies ng anak niya.

“Lumaki siya sa shooting, e, sa pagiging filmmaker namin ni Donna. Kaya sabi nga niya, 'It runs in the family.'

“Si CJ [Caparas, panganay nila ni Donna], naging aktor. Gusto naman niyang maging producer katulad ng mommy niya.

Continue reading below ↓

“Si Peach ang nagkaroon ng innate talent sa directing. Mahusay si Peach.

“Hindi naman self-serving, ano? Pero nakikita ko mahusay.

"Maganda siya maggawa ng mga lines, mag-execute ng mga eksena,” pakli ng kilalang nobelista at direktor.

May isinusulat naman daw siya ngayong isang romance story na gagawin din ng Viva at ididirek ni Ysabelle Peach. To Have and To Hold daw ang title nito.

Ayon kay Direk Carlo J., “Kami pa rin ni Peach ang gumagawa kasi marami siyang naiisip na subplots, e.”

Kailangan daw magtrabaho pa ni Direk Carlo J. dahil bahagi ito ng pag-move on sa pagpanaw ng asawa niyang si Donna.

Ginagawa naman daw niya ngayon ang pelikulang The Encounter: Mamasapano Massacre, na hango sa kuwento ng lone survivor na SAF member sa naturang malagim na engkuwentro sa Mamasapano.

“Nag-move on ako sa work ko, pero hindi pa rin ako nakapag-move sa nangyari sa amin ni Donna.

Continue reading below ↓

"Kaya dito na lang ako sa trabaho mag-move on.

“I hope matutuwa si Donna siguro dahil alam kong gusto niyang matulungan ang mga anak niya hanggang ngayon."

Nasa Cebu pa si Direk Carlo J. Caparas nang nakausap namin kagabi.

Kasama raw niya ang mga anak niyang nag-celebrate ng Father’s Day sa puntod ng kanyang asawa.

JERRY OLEA: Luv luv luv natin ang Mega Couple, kaya labis ang lungkot natin sa pagpanaw ni Tita Donna Villa noong Enero 2017.

The outpouring love and support has been a great big help to our family. Family, friends and colleagues your kind words have been received and are appreciated. That being said, I know most of you found out through the media, I am sorry our close loved ones had to find out such terrible news in the most impersonal manner but we had no way of stopping it. Believe me when I say most of what you've heard is bullshit. No one outside of our family knew exactly what the fuck went down, the broadcasts you are hearing, the articles you are reading are all false. My mom, despite her image, was an incredibly private person. But my heart is filled with love seeing how much tears are being shed and how many hearts are breaking because of this beautiful human being's passing; the lives you have touched are truly countless. We will remember you as the big, bright, beautiful spirit that you always were. We will continue what you started, we will help those who need us and live every damn day full of love because that's what you would've wanted. My son will hear of your love for him, mom. I would like to thank the wonderful wonderful doctors who helped us during this difficult time. All of whom did their very best and cared for her above and beyond their hippocratic oath. I cannot thank them enough for giving us the time we needed before having to say goodbye. To my sister Dra. Cita, we owe you and everyone else involved a great deal of gratitude. Needless to say, not all battles here on earth are won, but victory awaits us on the other side. Mama and Papa are waiting for you, I'm sure they've missed you. ð??? I know you'll continue to give us your love and guidance just from higher up. I love you, my Queen. ð??¸ð??¼

A post shared by Peachuss N Creme (@dpeachc) on

Na-miss natin si Direk Carlo J. Caparas, na absent sa premiere ng pelikula niyang Kamandag ng Droga last December.

Masaya tayo sa pagbabalik-showbiz ni Direk Carlo, lalo pa’t ang daughter niyang si Peach ay sumusunod sa kanyang mga yapak.

Si Tita Donna ay nag-artista rin noon.

Susundan kaya ng panganay nilang si CJ ang pagiging ma-PR ni Tita Donna, o mas pipiliin nito ang acting?

NOEL FERRER: Tingnan natin kung namana ba ng anak ang husay ng ama sa storytelling at ang PR ng nanay, lalo na sa press.

Continue reading below ↓

Malalaman lang natin iyan kapag ipapalabas na ang pelikula.

Sana’y malinawan tayo sa totoong nangyari sa SAF at hindi magdala ng higit pang kontrobersiya at sigalot sa hati-hati na nating bansa.

Good luck!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results