Local films, kaya bang banggain ang malalaking Hollywood films?

by PEP Troika
Jun 18, 2018

JERRY OLEA: Record-breaking ang opening weekend gross ng Incredibles 2 sa North America.

Humigit-kumulang sa $180M ang domestic gross nito nang magbukas last weekend.


Kinabog nito ang record opening para sa animated films na itinala ng Finding Dory ($135M) two years ago.

Sa international market ay humamig agad ito ng $51.5M, kaya ang worldwide gross nito ay $231.5 na more or less.

Continue reading below ↓

E, kasi naman, swak sa Father’s Day ang pelikula!

Hagalpak kami nang tawa sa mga eksena ng sanggol na si Jack-jack nang mapanood namin ito noong Sabado night sa Gateway Mall.

Halos puno ang sinehan, huh?!

Kasabay pala namin sa screening na iyon si Anton Bernardo at ang kanyang pamilya. Nag-enjoy rin sila.

Noong Sunday (June 17) afternoon na Father’s Day mismo ay pila-pila ang moviegoers sa Gateway.

Pinanood namin ang Ocean’s 8. Naaliw kami kahit paano, pero ang dalawang kasama namin ay inantok.


Continue reading below ↓

Noong isang weekend pa nagbukas sa North America itong star-studded heist comedy film. Tinatayang $116.3M na ang global gross nito.

NOEL FERRER: Nakakalungkot dahil kung may My 2 Mommies noong Mother’s Day, parang iniwasan na banggain ang mga big Hollywood movies kaya walang nagbukas na pelikulang pangtatay o tungkol sa tatay noong nakaraang weekend.

Ang susunod na pelikulang lokal na ipapalabas ay ang Cry No Fear ni Direk Richard Somes, tampok sina Ella Cruz at Donnalyn Bartolome.


Continue reading below ↓

Donnalyn Bartolome & Ella Cruz in Cry No Fear

Then followed by Walwal and The Write Moment.


Kiko Estrada, Donny Pangilinan, Elmo Magalona, and Jerome Ponce in Walwal


Continue reading below ↓

Valeen Montenegro & Jerald Napoles in The Write Moment

Kung anong pelikulang lokal ang kikita as much as their foreign counterparts, nakakakaba. Pero sana suportahan natin ang sariling atin!

GORGY RULA: Basta maganda lang ang pelikula natin, puwede talagang lumaban sa mga higanteng Hollywood films, e.

Hanggang ngayon nga ay maganda pa rin ang performance sa takilya ng Sid & Aya. Mayroon pang naiwang sinehan at marami pa rin ang nanonood.

Kaya ayoko talagang panoorin ang mga malalakas na Hollywood films kasi parang nakisama na rin ako niyan sa pagpatay ng ating local movie industry.

Solid ang suporta ko sa mga pelikula natin, lalo na sa mga matitinong pelikula, kagaya nitong kina Dingdong Dantes at Anne Curtis.

Continue reading below ↓

Dingdong Dantes & Anne Curtis in Sid & Aya

Mukhang tuluy-tuloy na nga ang suwerte ng GMA Primetime King dahil kinumpirma niyang mayroon pa siyang dalawang pelikulang gagawin.

Ang isa raw rito ay isa-submit sa Metro Manila Film Festival. Ito na nga kaya ang kay Vice Ganda?

Congratulations pala kay Dingdong at sa lahat na bumubuo ng Amazing Earth na nagsimula kagabi lang.

Ayon sa survey ng AGB NUTAM, nakakuha ito ng 10%, samantala ang katapat na Goin' Bulilit ay 5.1% lang.

May overlap pa nga ito sa Wansapanataym na nakuha lang ng 8.7%

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results