Project ni Steven Seagal sa Pinas, natigil na

NOEL FERRER: Noong una, excited ang lahat sa paggawa sana ng isang TV series sa Pilipinas ni Steven Seagal.


Nagpa-audition sila ng local actors and actresses at nagpunta na sila sa iba’t ibang lugar sa bansa para sa location nila.

Nakapag-shoot naman sila ng ilang araw, pero ang sabi ng isang cast member, “I wish I knew! They’ve been so vague about it that I gave up trying to figure it out.

"All my shoot dates that I was on hold for, kept getting pushed back and pushed back until it got quiet na.

"If they give us any official news, then great. But so far wala pa, e."

Naging mas tama tuloy ang desisyon ng isang premyadong aktres na i-turn down ang proyekto at mag-concentrate sa isang significant local project, kaysa sa hintayin ang proyektong ito na simula’t simula pa lang ay nabahiran na ng pagdududa.

Sabi ng isa pang cast member, “I’m moving on with my life and opening myself up to better projects nalang haha.

"Afraid na ang setup dito at walang kasiguraduhan."

JERRY OLEA: Sixty-six years old na si Steven Seagal.

Dalawa na ang kanyang apo.

Halos lahat ng mga pelikula ni Steven mula 2003 ay DTV (direct-to-video) sa North America.

Naipapalabas pa naman ang DTV movies ni Steven sa mga sinehan ng iba’t ibang bansa.

Marami sa DTV projects na ito ay credited siya bilang producer, at paminsan-minsan ay writer.

Kabilang sa mga ito ay Out for a Kill (2003), Belly of the Beast (2003), Out of Reach (2004), Submerged (2005), Today You Die (2005), Black Dawn (2005), Mercenary for Justice (2006), Shadow Man (2006), Attack Force (2006), Flight of Fury (2007), Urban Justice (2007), Pistol Whipped (2008), Kill Switch (2008), Against the Dark (2009), Driven to Kill (2009), The Keeper (2009), A Dangerous Man (2009), A Good Man (2014), Gutshot Straight (2014), Contract to Kill (2016), Sniper: Special Ops (2016), Code of Honor (2016), The Asian Connection (2016), The Perfect Weapon (2016), End of a Gun (2016), Cartels (2017), Mercenary: Absolution (2017), at China Salesman (2017).

GORGY RULA: Naalala ko rin nung sinubukan din ni Jean Claude Van Damme na magka-career dito, pero waley naman.

Nagtagal na lang siya at sumusubok na magka-career sa Hon Kong, pero wala na tayong balita.

Ganundin yata ang gustong mangyari ni Seagal na subukan dito sa atin pero wala namang sumugal.

Sinusubukan pa rito sa ilang Asian countries dahil baka wala naman siyang babalikang career sa Hollywood.

Mas may career pa nga yung ilang aktor na nag-audition at natanggap sa supposed-to-be project niya dito sa atin.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN