Distance at Walwal, tatalakay sa LGBT issues; Pinoy viewers, tanggap na ang gay kissing scenes

by PEP Troika
Jun 19, 2018

NOEL FERRER: Masaya at maganda ang feeling kapag may ini-expect kang matinong pelikulang Pilipino na parating, at kakaibang excitement ang dala nito.

Tulad na lang ng Cinemalaya movie ni Perci Intalan starring Iza Calzado, Teri Malvar, at Nonie Buencamino.

Tapos na ang principal photography ng pelikula.

Ayon kay Direk Perci, pinalitan nila ang title nito—from Sa Pagitan Ng Dito at Doon to Distance.

At pagkatapos sabihin ang opisyal na pagpapalit ng title ay inilabas din ni Direk Perci ang poster ng pelikula na maraming pumuri.



Continue reading below ↓

Siguradong panlaban ito sa major awards, lalo na’t mga premyadong artista ang kasama rito.

Kontrobersiyal din ang premise ng family drama na ito (na ang feel daw, sabi ni Direk Perci, ay inspired ng Saan Darating Ang Umaga).

May kinalaman ito sa isang LGBT relationship na ginampanan nina Iza at Max Eigenmann.

Magsisimula ang Cinemalaya 2018 sa August 3 at tatagal hanggang August 12.

Isa pang pelikulang mayroon ding LGBT concern at nag-tackle ng gender fluidity na isyu ay ang Walwal ni Direk Joey Reyes.

Maliban dito ay isa itong millennial movie na nagpapakita ng kultura at saloobin ng kabataan ngayon.

Masaya ang grupo ng Regal at naging liberal ang MTRCB sa pagbibigay ng PG rating sa pelikula.

Ibig sabihin, mas maraming kabataan ang puwedeng manood at matututo sa realidad na ipinapakita ng pelikulang ipalalabas na sa June 27.

Continue reading below ↓



GORGY RULA: Sa totoo lang, kung napapanood niyo ang mga series sa Netflix, hindi nawawala ang mga LGBT relationship.

Wala ngang keber ang mga kilalang Hollywood stars na makipaghalikan sa kapwa aktor o kapwa aktres.

Open na rin naman ang viewers natin sa ngayon. Kaya wala na dapat kaartehan ang mga sikat nating artista.

Wala na dapat kaartehan kung bading o tibo ang role na ipinagkatiwala.

Wala na rin kaartehan kung may kissing scene sa kapwa aktor o aktres.

Unless, may itinatago ka sa tunay mong kasarian.

JERRY OLEA: Mas gusto ko ang title na Sa Pagitan ng Dito at Doon.

Papanoorin ko pa rin ito sa Cinemalaya filmfest sa Agosto.

Mukhang seryoso ang tomboyan sa pelikulang ito ni Iza Calzado.

Iyong Regal movie na Walwal (directed by Jose Javier Reyes) ay walang kinalaman sa love story nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz.

At least, walang isyu sa MTRCB ang millennial term na iyan.

Continue reading below ↓

Iyon kasing Regal movie na Laklak, pinalitan ng title na Kabilin-bilinan ng Lola (1996, directed by Maryo J. de los Reyes).

Iyon namang Regal movie na Wakwak ay ginawang Isang Araw, Walang Diyos (1989, directed by Peque Gallaga & Lore Reyes).

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Walwal, lgbtq
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results