Lolit Solis, hindi na uma-attend ng awards night; kinukulit si Kris Aquino para sa mga harbat niya

by PEP Troika
Jun 20, 2018

JERRY OLEA: Ika-24 anibersaryo ng 1994 Manila Film Festival Scam sa Biyernes, Hunyo 22.

Mula noon ay hindi na dumalo sa awards night ang self-proclaimed Scam Queen na si Lolit Solis.


Hanash ni Manay Lolit nitong Hunyo 20, Miyerkules ng hapon, nang i-text namin, “Naku, waley na ako go sa awards night, ‘noh?! Ayokong isipin nila, may ginawa akong milagro.

Continue reading below ↓

“OK lang iyon, memories ng scam. May good din naman akong nakuha sa naging kagagahan ko.

“Naging thankful din ako dahil naging way din iyon sa mga ibang pagbabago sa buhay ko.

“Doon ko rin na-discover ang aking art of detachment, iyong hindi bitter pero mabubura mo pala iyong emotional attachment mo.”

NOEL FERRER: Twenty-four years na pala yun!

At least naka-move on naman na lahat ng mga sangkot sa 1994 Manila Film Festival scam, Nanay Lolit included.

Kapapakinig ko lang kanina sa radyo at ang kinukulit niya ay si Kris Aquino.

Hindi raw talaga papasapaw si Kris sa publicity ninuman kaya ini-expect ng Harbat Queen na doblehin ang kanyang allocation sa S&R.

Samantalang ang dating bestie ni Kris na si Ai-Ai delas Alas ay inaawitan naman niya ng GC ng Puregold.

Bongga talaga si Kris Aquino ha Salve. Nagpa ulan, nagnakaw ng eksena at talagang pinag-usapan. Hah hah, wala talaga maka-upstage pag kasama siya. Imagine Pasko sa June ang drama niya. Halos 1 million ang pa raffle prizes niya, grabe ang sound bites, bongga outfit, lahat perfect. Galing galing talaga Tetay, at hindi niya forget ha, replenish niya iyon S&R gc ko sa July kaya paging Susan Co, may gc na naman ako for my shopping sa S&R Commonwealth. Hayan Tetay ha, bait-baitan school of acting ako, at watch ko I Love You Hater dahil sa iyo noh hindi dahil sa JoshLia noh, dahil kay Kris Aquino. Kahit pigilan pa ako ni Mocha manonood ako kaya bili ka na ng gift certificate para sa akin, guluhin ko si Alvin at Gorgy sa follow up. Love you Tetay, hingi na lang ako Puregold gc kay AiAi para pantay love ko hah hah. #instatalk #lolitkulit�� #71naako @krisaquino

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Kaya it’s a tie ang turing ni Nay Lolit sa kanila. At ikaw daw ang taga-follow up, Tito Gorgy!

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Yes. Sinasagot naman ako ni Kris kapag pinapa-follow up dahil kailangang tuparin niya ang promise niya kay Nay Lolit.

Kahit naookray ni Nay Lolit si Kris, sinasabi niya laging may soft spot sa puso niya ang kontrobersyal na Queen of All Media.

Nung kainitan ng MFF scam, nagpa-handle sa kanya si Kris dahil hindi nito alam kung paano niya i-handle sa publiko ang pagbubuntis niya noon kay Josh.

Si Kris ang laging nangungumusta ng kaso ni Nay Lolit sa Maynila.

Nasa bahay lang kasi siya nung medyo lumalaki na ang kanyang tiyan.

Inaalam ni Kris ang schedule ng hearing sa Maynila.

At habang naghi-hearing, nagru-rosaryo si Kris para sa kaso at maging okay lang daw ang itinuturing niyang nanay-nanayan.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results