Valeen Montenegro, ayaw seryosohin ang balak na panliligaw sa kanya ni Ruru Madrid

by PEP Troika
Jun 20, 2018

GORGY RULA: Ayaw maniwala ni Valeen Montenegro na balak siyang ligawan ni Ruru Madrid.

Tingin daw niya, puppy love lang yun dahil close talaga sila sa Sunday PinaSaya.

Madalas na kasing natutukso ang dalawa dahil crush naman pala talaga ni Ruru ang aktres.


“Sa Sunday PinaSaya po kasi, meron kaming inside jokes na sa amin na lang.

Continue reading below ↓

"Parang hindi kasi maintindihan ng mga viewers, kasi every Sunday kami magkasama, na magti-three years na kami.

“Imagine, yung Saturday-Sunday na lagi kaming magkasama. Talagang iba na ang bonding namin sa isa’t isa.

"Yung closeness namin, dun na lang namin idinadaan.

“Puppy love lang yun siguro,” pahayag ni Valeen sa presscon ng pelikula nila ni Jerald Napoles na The Write Moment kahapon, June 19.

Hindi naman kasi makaporma si Ruru dahil alam naman niyang may non-showbiz boyfriend si Valeen.

Sabi pa ni Valeen, kung maaari lang, ayaw niya talagang ma-link sa taga-showbiz. Mas gusto raw niya ang non-showbiz na boyfriend.

“Ako kasi, I want balance. Siguro someone not in showbiz. Para meron akong life aside sa showbiz,” dagdag niyang pahayag.

JERRY OLEA: Hay, nakoh! Ka-showbiz-an lang talaga ang GabRu, ‘no?!

Hindi ako nakumbinsi na may pagtingin si Ruru kay Gabbi Garcia, lalo pa’t crush ni Ruru si Maureen Wroblewitz.

Continue reading below ↓

Akala ko ay susundan ni Ruru ang Fil-German model nang mag-training ito sa London, pero hayan...

When the mouse is away, the cat will play.

Hindi pa man pumuporma si Ruru kay Valeentawak, basted na siya agad!

NOEL FERRER: Ang alam ko, may non-showbiz boyfriend si Valeen na si Selu.

Si Ruru, hindi ko alam kung papayagan siya ng guardian angel niyang si Joe Barrameda o ng Artist Center na ma-associate sa kung sinumang hindi niya makasama nang long-term.

Paano yun? Laru-laro lang? Ingat-ingat din sa reputasyon na baka hindi makatulong sa career. Hehehe!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results